Chapter 23 (Act 2): Worries
"You're with her again— you're with the girl who makes me insecure."KORRAZON
Naramdaman ko ang kamay ni Fifth sa beywang ko kaya napangiwi ako— kung puwede lang sanang itaboy ko siya gagawin ko eh.Halata rin na hindi naman gusto ni Fifth yung ginagawa niya pero kinakailangan namin magpanggap dahil nakatingin saamin halos lahat ng mga tao.
Naiinis ako sa suot ko. Hindi ako komportable at mas lalong hindi ako natutuwa.
Ano ako stripper pero make it fancy?
Ganito nalang ba talaga ako kung ikakasal na ako kay Fifth?
Alam ko naman na matagal pa yon pero hindi ko mapigilang matakot.
I love my freedom and marrying Fifth would strip all my freedom away.
"Pupunta muna ako sa banyo." Bulong ko kay Fifth at agad naman siya tumango 'saka ako nginitian.
"You'll call him won't you?" Tanong niya at hindi naman ako nagdalawang isip na tumango.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa beywang ko at agad agad narin ako pumunta sa banyo.
Nung nakita ko na wala na masyadong tao agad ako tumakbo palabas ng venue at binuksan ang cellphone ko na kanina pa naka power off.
2 missed calls and 6 unread messages from Avi.
From Avi:
(Monday)I'm sorry for acting that way earlier.
(11:37 AM)Cannot be reached ka. Did your battery die? Wala bang signal d'yan?
(11:40 AM)I'm sorry kung nakakairita na ako pero nag-aalala lang talaga ako.
(12:23 NN)Hey.
Did you eat lunch?
(12:26 NN)Uwian na namin pero wala ka paring reply. Hindi parin kita ma contact.
Please call me when you get the chance. I'm going crazy here.
(4:10 PM)I want to see you.
(4:17 PM)Halo-halo yung emosyon na nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang takot kaya dali dali ko siyang tinawagan.
Wala pang isang segundo nung sinagot niya ang tawag ko.
"Avi!"
"We're busy. Shut up." Malamig ang bosses mula sa kabilang linya, pamilyar ito saakin.
Bosses rin 'yon ng babae.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.
Si Saena ba 'yon?
ABYSS
Nag ring muli ang cellphone ko. Ganon talaga 'yan kapag hapon.Mas lalong nairita si Saena, hindi man lang nga niya tinignan kung sino at siya na mismo ang sumagot dito. "We're busy. Shut up." Malamig niya na sinabi sabay patay sa cellephone ko.
Binalingan niya ako at mukhang galit na galit siya. "Bakit ba kasi ang daming tumatawag sayo?" Naiirita na tanong saakin ni Saena habang busy na busy parin sa paggamit ng cellphone ko.
Siya na nga itong nanghihiram tapos galit pa...
"Marami kasing businessman yung humihingi sa numero ko at dahil wala namang ibang mabigay na number yung mismong number ko yung binibigay ko." Paliwanag ko sakanya pero tinignan niya lang ako na parang diring-diri siya.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...