Act 3, Chapter 18

27 5 0
                                    

KORRAZON
"Korra?" Napakapit ng mahigpit si Connie sa mga flyers na hawak niya 'saka siya tumakbo palapit saakin na mukhang naluluha pa.

Akmang magsasalita na sana ako nang biglaan niya nalang ako hinampas ng malakas na ikinatawa lamang ni Liesl na tahimik lang nakatayo sa tabi ko.

"GAGA KA! SAAN KA GALING?! HAYOP KA!" Panay ang pagmumura niya saakin habang patuloy parin ako na hinahampas na parang wala ng bukas.

Sinubukan kong umilag mula sa paghampas niya saakin pero mapilit siya at maliksi kaya hindi rin ako naka-ilag.

"Sorry na!" Pinilit ko siya na tigilan na ako dahil baka puro pasa na ako mamaya.

Tumigil siya para habulin ang hininga niya bago ako piang hahampas muli. "Sorry?! Nag so-sorry ka lang kasi hinahampas kita! Napipilitan ka lang ata eh!"

Binalingan ko si Liesl at sinubukang hingan siya ng tulong pero ngumiti lamang siya.

-

Hindi ko alam kung paano tumigil si Connie sa paghahampas saakin. Naawa na siguro siya kaya siya tumigil. Naawa o napagod lang?

Natakot ako muli dahil grabe siya mang hampas at ayaw ko ng maulit iyon.

"Nasaan na yang rason mo?! Kapag yan walang kwentang rason sasampalin talaga kita!" Singhal niya at ako naman ay wala sa sariling napahawak sa pisngi ko dahil sa takot.

Napalingon ako kay Liesl na tahimik parin bago bumaling muli kay Connie na may kaunting ngiti.

"Naalala mo si Fifth?" Tanong ko sakanya at kaagad naman siya tumango. "I declined his family's offer na pakasalan si Fifth dahil alam ko naman na iba ang taong mahal ni Fifth at napaka bata pa namin para magpakasal. Pero biglaan nalang ako tinext ni Mama na kailangan kong umuwi para pakasalan si Fifth at wala akong choice kundi pumayag-- pero ayaw ko parin pakasalan si Fifth at alam kong ayaw niya rin kaya tumakas ako at tinanggap ang scholarship na binigay saakin ni Liesl na mag-aral sa Amsterdam." Paliwanag ko habang nag-iiwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

"AMSTERDAM?! KASAL?! Tangina na yan Korra! You could've told us! We could've helped you..." Humina ang tono ng bosses niya sa huling parte na parang nasasaktan na talaga siya.

Isang tingin lang sakanya at malalaman mo na hindi siya masaya.

That she's actually miserable.

Biglaan nalang tumayo si Liesl at lumabas ng cafe ng walang sabi-sabi.

Akmang susundan ko sana siya pero biglaan ako nakatanggap ng text mula sakanya.

LIESL MARIE CRISANTOS
(Private Message)

:Wag mo akong susundan.

:Lumabas lang naman ako dahil parang kailangan ninyo ayusin ng kaibigan mo kung ano mang nangyari sainyo.

"I really am sorry, Connie." I say as I looked her in the eye.

She gave me a strained smile before slowly nodding. "Hindi ka na aalis ulit?" Tanong niya na parang natatakot siya na ma-iwan.

What happened?

"Hindi na. Pangako." Ani ko sakanya.

ABYSS
"It's been a year--"

"Alam ko." Mahina ko na sinabi kay Ace.

Na discharge na ako mula sa ospital last week.

"Just, avoid thinking about negative thoughts, please." Iyon ang bilin saakin ng doctor ko bago ako naka-alis mula sa hospital.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon