KORRAZON
Simon's been acting weird. Just like Avi everytime he's planning on leaving me.Ano ba kasing sumpa ko at palagi ako iniiwan?
Napailing ako at agad na sinampal ang sarili ko. Hindi ko dapat iniisip si Avi. Tapos na ang nangyari saamin at mas magandang ganon na lamang.
Agad na pumasok si Emmie sa loob ng kuwarto ko at tinignan ako na parang kakamatay ko lang.
"Bakit ka sumigaw? May sunog ba?" Tanong niya na ikinakunot ng nuo ko.
"No! Walang sunog!"
Agad nag-iba ang mood niya. "Eh bakit ka sumisigaw?" Kalmado niyang tanong na parang walang nangyari kanina.
"Ang weird ni Simon." I whined while throwing my pillows across the room.
Pinagsasalo ni Emmie yung mga unan na pinagtatapon ko 'saka niya tinapon pabalik saakin na walang kahirap-hirap ko namang nailag.
Ano 'to sleepover sa umaga?
"Ano namang bago eh sobrang weird naman talaga niya." Pangrarason niya sabay tawa.
Kumusot yung mukha ko dahil sa frustration. "May mali eh! Siguro dahil sa relasyon nila ni Cam?" Sana nga talaga tungkol lang sakanilang dalawa ni Cam.
"Now that you mention it," Napabuntong-hininga siya bago umupo sa tabi ko. "Biglaan nalang naging close yung dalawang yun 'no? Eh dati kung umasta si Cam akala ko stalker niya si Simon." Natatawa niyang sabi 'saka siya napailing na parang hindi siya makapaniwala sa nasabi niya.
"Something's really up with those two." I say, my voice filled with suspicion.
"Something's up with everyone these days. National sad and regret day na ata hindi man lang ako na-inform." Mahina siyang natawa pero nakita ko rin sa mukha niya ang pagsisisi.
National sad and regret day nga talaga siguro.
Mapaglaro ko siyang hinampas gamit ang unan na ikinatawa niya. "Don't think too much."
"Yeah, sure." Simple niya na sagot.
ABYSS
"Matatagalan pa ang flight mo pabalik—""Again?" Reklamo ko. Not that I'm ungrateful ang gusto ko lang naman ay makabalik na kaagad. "Hindi ba dapat dati pa yan naka-ayos?" Tanong ko kay kuya dahil hindi ko na siya maintindihan.
"Sinubukan ko namang patago bilhin ang flight ticket mo pero kilala mo naman kung sino ang mga magulang natin." Paliwanag niya sabay buntong-hininga.
Mariin nalang ako na napapikit 'saka humiga sa higaan. Hindi nagtagal napabaling ako sa cellphone ko na hindi naman gaano kalayuan mula sa higaan ko.
I wonder if she's doing okay?
Pinag-isipan ko ng mabuti kung tatawagan ko ba siya o hindi. Baka kasi kung tawagan ko siya malaman ko lang na busy siya o di kaya mamiss ko lang siya masyado.
Pero dahil mahina ako at walang alam kundi ang isipin siya tinawagan ko nalang.
Pagkatapos ng mga ilang segundo sinagot niya na agad ang tawag ko. "Hello?" Rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.
Akmang magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. "Who's this?" Tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ba naka-save yung number ko?
"Hindi naka-save yung number ko?" Tanong ko sakanya pabalik.
Hindi siya sumagot kaagad pero kalaunan narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Avi? Ikaw ba yan? Dinelete ko kasi yung number mo, sorry." Paliwanag niya pero hindi ko man naramdaman yung sorry sa bosses niya.
"You did?" Kalamado ko na tinanong kahit na nasaktan ako sa sinabi niya.
Narinig ko siyang padabog na umupo. "Bakit hindi ka man lang nag paalam?" I could hear the desperation in her voice and it pained me.
"Dahil natatakot ako na baka hindi ko kayaning iwanan ka." Iyon ang gusto kong sabihin.
But of course I couldn't say that.
"Sorry." Iyon lang ang kaya kong sabihin sakanya ngayon. Kapag nakabalik na ako doon ko na sasabihin sakanya ang lahat.
"Iyon lang?"
"I'm really sorry. Magpapaliwanag ako pag nakabalik na ako— just please... wait for me." Nagmamaka-awa kong sabi sakanya.
Lumaki akong nakukuha ang lahat ng gusto ko. Pinalaki akong hindi dapat nagmamaka-awa kahit kanino pero heto ako ngayon. I would kneel in front of her if that means she'll stay.
"I can't make any promises."
KORRAZON
"I can't make any promises." Mahina kong sinabi.Alam ko na kahit na mahal ko siya hindi ko parin dapat hinahayaang palagi nalang parang may tinatago siya saakin. Gusto ko ng maka-totoo na relasyon. Pagod na ako sa mga kasinungalingan. Imposible ba yon?
"Kung 'yan ang kaya mong ibigay tatanggapin ko."
Lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Bye." Blanko ko na sabi.
Gusto ko ng ibaba yung tawag ba ako pa umiral ang nararamdaman ko para sakanya.
Hindi ko inantay ang sasabihin niya at hindi nagdadalawang isip na tinapos nalang ang tawag.
"Was that him?" Tanong saakin ni Cam habang sayang-saya sa kinakain niya na siopao.
Dahan-dahan ako tumango. Napansin ko ang pagdilim ng mukha niya kaya nginitian ko siya para mawala ng konti ang galit niya para kay Avi. "Makapal rin ang mukha eh! Nasaan ba yon? Pupuntahan ko talaga yung mokong na yon pag nalaman ko kung nasaan siya!" Pinagsisipa niya pa yung mga bato sa daan dahil sa galit.
Siguro nga totoo yung sinasabi nila na kapag may kina-aayawan ka mas kina-aayawan iyon ng kaibigan mo.
Hindi ko naman inexpect na ganitong klase na galit yung ipapakita ni Cam.
"Kumalma ka, wala na yon." Paninigurado ko sakanya para tumigil na siya sa kaka-sipa. Wala rin naman kasing ginawang mali yung mga bato sa daan tapos sisipain niya pa. Hay nako po.
"Wala na yon? Anong wala na yon?! Sinasabi ko sayo delikado yang mga lalaki na yan! Alam ko kung ano dapat maging solusyon? Dapat patayin nalang natin sila lahat para hindi na tayo nasasaktan!" She continued on rambing habang ako naman ay malayo na ang tingin.
Nasaan kaya siya? Kumakain ba siya ng maayos? Sino kaya kasama niya ngayon? Sana ayos lang silang magpamilya—
Napakamot ako sa ulo ko.
Hay nako, Korrazon ang rupok mo! Dami mong alam!
"Hoy!" Sighal saakin ni Emmie na ikinagulat ko.
Kailan pa siya napunta dito?
"Masakit sa teinga!" reklamo ko.
Kung sumigaw naman kasi siya akala mo loud speaker sa concert.
Pinitik niya ako kaya mas lalo akong nalito. "Anong ginawa ko?!" Reklamo ko sabay hawak sa nuo ko kung saan niya ako pintik ng malakas.
"Kanina pa kita tinatawag tapos hindi mo man lang ako napansin? May tinatago ka 'no?" She narrowed her eyes at me as she leaned closer to my face as if she was observing my every move.
At hindi na nakakatuwa dahil masyado na siyang malapit at hindi na ako konportable! "Wala akong tinatago," Paliwanag ko sabay hakbang palayo. "Hindi ko naman kasi kasalanan kung biglaan nalang ako nag-aalala doon sa mokong na yon."
"Nasa Canada si Avi." biglaan niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...