Act 3, Chapter 5

25 4 0
                                    

ABYSS

"Don't tell me you actually like her?" Mahina akong natawa dahil sa reaksiyon sa mukha niya.

Bumagsak ang tingin niya. 

Gone the energetic Primo-- napalitan na siya ngayon ng isang malungkot na lalaki na hindi ko kilala. 

"Kung aaminin ko ba na gusto ko siya, may magbabago ba? I still can't have her." Mapait niyang sinabi na ikinasimangot ko.

Bumuntong-hininga ako. 

"What's so wrong about being with her?"

"I'm a hindrance to her life."

"Bakit naman?" Pagtataka ko dahil wala naman akong nakikitang masama kung magiging sila man.

Huminga muna siya ng malalim bago humarap saakin. 

"She deserves someone better than me."

"Pero hindi ba ikaw yung huling nakasama niya bago siya mawala?" tanong ko. Hindi naman kasing puwede na walang ibig sabihin 'yon. 

Mabel has been seen club hopping for a whole week before finally returning home. Everyone knows about it, considering how much of a hot topic she is when it comes to social media.

"Sinabi ko sakanya na babalik na muna ako sa Paris para magpahinga, she offered to come with me. I said no." Paliwanag niya.

Napa-ubo ako dahil sa pagkakabigla. "Ano? Bakit mo naman sinabi 'yon?!" Hindi ba gusto niya Mabel? 

Why would he push her away when she's already willing to be with him?

"Weren't you listening? She deserves someone better than me--"

"Then be better." Gagad ko.

Napailing siya 'saka mahinang natawa. "Someday, you'll understand." Aniya.

Akmang magsasalita pa sana ako ng bumukas bigla ang pinto. 

It was Ace with a look on her face. She looks irritated. 

Nagtataka naming tinignan namin ni kuya ang isa't isa bago namin binalik ang tingin namin kay Ace. 

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Kuya sakanya na mas ikinainis niya.

Nag-martsa siya palapit saamin. Hindi ko naiintindihan bakit parang natatakot ako sakanya kahit siya yung bunso. "Babalik na raw tayo sa Pilipinas sa saturday."

Napasuntok ako sa hangin dahil sa tuwa. "Talaga? That's good--"

"No! It's not good news!" Sigaw niya habang napapasabunot sa sarili niyang buhok.

Tumikhim si Kuya 'saka lumapit kay Ace. "No need to act like it's the end of the world, Ace." Sabi niya kay Ace na hanggang ngayon ay parang nababaliw parin.

"I don't want to see that asshole," Napatigil siya at biglaang lumiwanag ang mukha niya. "I know! What if I just continue my studies at home?" Dagdag niya. Napatango siya sa sarili at ngumiti narin.

Tumahimik nalang ako dahil nakita ko narin ang madilim na expresyon sa mukha ni Kuya. "You'll go to school like a normal kid." Kaagad na sabi ni kuya. 

"But our parents can talk to my homeroom teacher and arrange everything. We're rich enough--"

"That isn't an excuse. Yes, we're rich but we still need to work hard for what we want. Keep in mind that our wealth won't last forever." Aniyang Kuya.

Mas lalo na akong napatahimik. 

Primo is really hard-working, I admire him for that. 

At tama naman siya sa mga sinsabi niya. Sa totoo lang pareho lang kami ng pag-iisip ni Ace pero ngayon may bago na akong pananaw sa buhay dahil sa sinabi ni Kuya.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon