Act 2, Chapter 33

29 3 2
                                    

Chapter 33 (Act 2): Goodbye
"I'm doing this for you. It'll always be about you."

ABYSS

"Bakit ba kasi napaka tanga mo?" Reklamo saakin ni Mercy habang nilalagyan ng ice pack yung namamaga ko na mukha.

Nag-iwas ako ng tingin 'saka napabuntong-hininga. "Hindi ako tanga." Pagdedepensa ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Tobias habang si Mercy naman ay mahina lang na natatawa. "Talaga?" Tanong saakin ni Tobias 'saka niya ako tinaasan ng kilay na parang hindi siya kombinsado. "Kung hindi ka tanga bakit ka nakipag suntukan? A wise man wouldn't feel hostile towards others." Dagdag niya pa.

Napailing ako at napatingin kay Mercy na mukhang seryoso parin sa paggamot ng namamaga ko na mukha. "Malapit na ba matapos?" Hindi ko mapakali na tanong sakanya dahil kailangan ko pa hanapin si Korra. 

Baka naunahan nanaman ako nung Fifth na 'yon.

"Excited? Malamang hindi pa." Sagot niya sabay ikot ng mga mata.

"Mukhang matatagalan ka pa dumudugo pa nga yang labi mo." Sabi naman ni Tobias habang napapangiwi.

Kung umasta rin kasi yung dalawang 'to akala mo sinaksak yung ginagamot nila.

Napabuntong-hininga ako at kinuha nalang mula kay Mercy ang ice pack. "Ako nalang yung magtutuloy. Bumalik nalang kayo sa pakikipag-usap sa mga bisita— oh! And tell Tita I said 'happy birthday'." Bilin ko sakanila bago dali-daling pinagpatuloy ang paghahanap kay Korra.

To Korra:
Nasan ka? Kanina pa kita hinahanap.

Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy nalang sa paghanap sakanya ng hindi hinihintay ang reply niya.

Nung hindi ko parin siya mahanap nagsimula na ako mag-alala.

Wala na ako bukas.

Babalik na ako sa Canada bukas ng maaga.

What if something goes wrong and I'll never see her again?

"So pessimistic." I mumbled to myself with a laugh.

From Korra:
Nasa may likod ako ng building. Kasama ko si Fifth.

I sighed in relief as soon as I read her text. 

At least I know she's alright.

To Korra:
Stay put. Pupuntahan kita.


KORRAZON

From Avi:
Stay put. Pupuntahan kita.

Wala sa sarili akong napangiti habang paulit-ulit na binabasa yung text ni Avi.

"Ang lakas ata ng pagka-tama sayo ni kupido." Rinig kong sabi ni Fifth kaya agad ko siyang nilingunan.

"Kupido mo mukha mo." Pagtataray ko sakanya habang pinipigilan ang tawa ko.

He smirked and looked at me directly in the eyes. 

"Halata naman kasi. In-denial ka lang." Reklamo niya na ikinainis ko.

Kumukulo na talaga yung dugo ko dahil sakanya!

"Ikaw? Hindi ka ba in-denial na gusto mo si Athy?"

Napalunok ko siya bago mariing napapikit. "Fine, we're even." Nag-iwas siya ng tingin habang ako naman ay humahalhak.

Yan kasi kala mo kung sino, sinto-sinto naman talaga.

"Korra!" Agad ako napalingon sa kung saan nangaling ang bosses. 

Lihim nalang akong napangiti nung nalamang si Avi iyon.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon