Chapter 3: clouded mind and thoughts
"I find it incredibly hard to imagine what you think of me."ABYSS...
"Hindi ka naman bumalik kahapon! Talagang naging manok ka 'no? Takot ka talaga sa horror!" Pangiinis ni Embrose saakin habang tahimik akong kumakain.potcha, sermon nanaman itong maririnig ko!
"Saan ka ba galing kahapon, Avi?" Seryosong tanong ni Gyo.
"Wala. Pinilit lang naman ulit ako ng mga magulang ko pumunta sa mga business parties ng kompanya." Pasimple ko na sinabi bilang isang palusot.
Lying became easy for me. I hate myself for it pero mas okay na talagang hindi ko sabihin sakanila yung tungkol sa appendicitis ko na 'to. Problema lang naman yung dadalhin ng sakit na 'to eh.
"Siguro may ginawa yang kababalaghan kahapon." Singit naman ni Embrose.
"Oo nga lakas magsinungaling eh. Gasgas na yang palusot mo na yan." Walang awa namang sinabi saakin ni Gyo.
I sighed. Wala narin namang magandang mangyayari kung magpapaliwanag ako, baka nga mas lalo pang lumala eh. "Ewan ko sainyo. Monday na bukas tsaka may quiz tayo kaya magpaka tino ka na Embrose." I pointed out. Si Embrose kasi yung tamad mag-aral saaming tatlo.
"Oo na, whatever." Mataray niyang sinabi. Hindi nagtagal biglaan nalang siya pa innosenteng ngumiti habang tinitignan ako. "Sasabay pala ako sayo. May dadaanan pa ako eh." Gago ampota!
"Walang hiya ka talaga Embrose." Naiirita kong sinabi sakanya.
"I know, I know. Pero, meron ka namang driver tuwing sundays tsaka school days kaya dapat lang na i-share mo yang blessings mo!" Pangrarason nito.
Kuripot na nga walang hiya pa. Magkaibang-magkaiba sila nung kambal niya.
"Ewan ko ba sayo," Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. "Ikaw naman? Sasabay ka rin?" Tanong ko kay Gyo na hanggang ngayon ay masaya paring kumakain ng tinapay at iced tea.
Tinignan niya ako ng masama. "I'm enjoying life to the fullest in the form of eating kaya hayaan niyo nalang ako dito at umalis na kayo." Hindi man lang niya kami tinignan at naggegesture pa siya na umalis na kami.
Patay gutom.
"Stables? Akala ko ba ayaw mo pumupunta dito dahil ayaw mo sa mga kabayo?" Nalilito kong tanong kay Embrose na ngayon ay lumalabas na mula sa kotse.
"Wala ka na 'don. Umalis ka na nga nakakairita kang tignan."
Ba't parang siya pa yung galit eh siya na nga 'tong nakisabay lang?
"Ewan ko ba sayo." Naiirita 'kong sinabi bago sinabihan ang driver na bumalik na sa bahay.
Korrazon
"Anong nangyari kay Simon? Okay na ba siya? Maayos naman siya diba?" Nagaalala 'kong tanong.She glared at me. "Malamang hindi siya maayos ngayon. Iniwan mo eh," Puno ng galit yung bosses niya at mas lalo na ang mukha niya— Pero may halo paring lungkot. "Look, Simon's important to me, kaya kahit na ayaw ko sayo gagawin ko parin lahat ng gusto ni Simon para lang sumaya siya, even if that means I have to lower my pride." She admitted with a dark expression.
If looks could kill I would already be in purgatory.
"I-I'm sorry. Sorry talaga." I really am sorry that I suddenly left without saying good bye. Alam ko naman na mas ikabubuti kay Simon kung umalis nalang ako eh. Wala naman akong ginawang ikabubuti sakanya, puro nalang pahamak yung dala ko.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...