Act 3, Chapter 21

36 5 0
                                    

ABYSS
"Have you found your family yet, Avi junior?" Natutuwa ko na tanong sa pusa na hindi naman ako kakausapin pabalik.

Napa-ubo na lamang ako at pakiramdam ko ay hinihika narin ako pero kalaunan nawala rin iyong sakit. "Allergic na ba ako sayo ngayon?" Mahina akong natawa.

Impossible naman ata yon.

Nakipaglaro lamang ako kay Avi junior ng mag damag. Siguro nga talagang wala ng mauuwian na pamilya si Avi junior, kasi kung meron man bakit hindi ko na nakikita yung mama niya at ang mga iba niya pa na kapatid?

Ilang taon narin ang nakalipas. Malaki narin siya ngayon, pero wala paring sign sa mama niya.

And then I heard a sneeze.

Agad ako lumingon out of impulse. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nung nakita ko si Mabel. "A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal ko na tanong sakanya.

She arched her brow at me before crossing her arms. "Don't act like a little moron, pretty boy," Pretty boy? "Asaan ninyo tinatago si Korra?" Gagad niya.

Avi junior hissed at her before running away.

Namulsa ako dahil sa pagkaka-irita. "Hindi ba dapat ang mga magulang niya ang tanungin mo?"

"Hindi nila alam kung asaan rin si Korra. She's vanished! Paano kung na kidnap siya--"

"She ran away. No one kidnapped her." I say, sighing.

Humakbang siya palapit saakin 'saka ako tinignan sa mata. "At paano mo naman alam yon?" She asked, her voice filled with suspicion.

"Dahil kilala ko siya." Sagot ko.

She looked pissed at what I just said. "You don't know a thing about what she's gone through." Mahina niyang sinabi habang tinitignan ako ng masama.

She was glaring at me.

Sumuko na lamang ako dahil tama rin naman siya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa inisi. "But I want to," Bumuntong-hininga ako bago matapang hinarap si Mabel. "She just won't let me... and it's too late."

"Someday, when she's ready." Aniya.

She sounded hopeful but I wasn't.

Mahina akong natawa. "On my grave, probably."

Sinimangutan ako ni Mabel na ikinalakas lamang ng tawa ko. "So negative." Reklamo niya 'saka humalukipkip.

KORRAZON
"K-Korra?"

"Saena?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa buhangin nung napansin ko na siya nga!

Kaagad ko siya niyakap na ikinabigla niya ata dahil biglaan nalang siya napahinto sa paghinga. "Nakabalik ka na? B-Bumalik ka talaga..." Parang bigla na bigla siyang makita ako kaya napangiti na lamang ako.

Mahaba-haba ang usapan naman ni Saena, pero halos lahat ng iyon tungkol saakin kaya medyo nahiya ako. "Ikaw, kamusta ka naman?" Tanong ko sakanya.

She showed me a smile that I have never seen her wear before. "I'm happy."

Niyakap ko siya muli. "I'm happy for you."

-

Pinagmasdan ko ang bawat hampas ng alon sa mga bato na malapit lamang sa baybayin kung nasaan ako.

Pinaglalaruan ko ang buhangin habang sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil sa pag-iisip kung kamusta na kaya ngayon si Avi?

Hindi ko kasi maintidihan kung bakit parang sobrang bigat sa pakramdam tuwing naiisip ko siya.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon