Act 2, Chapter 5

36 4 0
                                    

Chapter 5 (Act 2): Melodies that play
"Different eyes see different things."

Abyss

Pansin na pansin ko yung titig saakin nila Mama at Papa pati narin sila Ace tsaka Kuya Primo.

"Ano?" Tanong ko.

Kung makatitig naman kasi sila kala mo may nangyaring milagro.

"Cheese. Kumakain ka ng cheese." Hindi makapaniwalang sinabi saakin ni Ace habang umiiling-iling pa sa sarili niya na parang in-denial.

Si Kuya Primo naman ay kanina pa ako tinitignan na parang hindi niya ako sariling kapatid.

Tinaasan ko sila ng kilay. "Bawal ba?" Tanong ko.

"Nakakabigla lang naman." Tahimik na sagot ni Primo habang pinipigilan yung ngiti niya.

Si Mama naman ay may malaking ngiti sa labi habang si Papa naman ay mukhang kontento naman sa kung anong pinaggagawa ko.

"Bumalik lang si Ko--"

"Ang daldal mo." Reklamo ko kay Ace bago niya pa matapos yung sasabihin niya.

Nginitian niya lang ako at tumawa.

Tinaasan ako ng kilay ni Papa. "Sinong bumalik?" Pagtataka nitong tinanong saakin.

"Wala."

"Sino nga?" Pangungulit ni Mama habang tumatawa-tawa pa.

Pilyong ngumiti si Ace kaya nagsimula nanaman ako mag-alala sa kung ano mang sasabihin niya. "Si Korra, syempre." Tas nuo na sinagot ni Ace.

Mas lumala yung ugali nitong kapatid ko na 'to nakilala niya lang si Rys.

Mariin nalang akong napapikit nung narinig ko yung mama ko na tumatawa at parang kinikilig pa. "A girl? May nililigawan ka na pala eh!" Biro ni Mama.

"Dati niya pa 'yon gusto." Biglaan naman sinabi ni Kuya Primo kahit wala namang nagtatanong.

"We have to meet her."

Napa face palm nalang ako nung narnig mula sa mga bunganga nila Mama.

"She sounds promising." Aniyang Papa.

"Pa! Maganda 'yong si Korra tsaka sa pagkaka-alam ko decente naman yung mga grado niya, pero ang pinaka advantage na makukuha natin galing sakanya ay ang status ng pamilya niya-"

"Kuya!" Masyado na siya maraming sinasabi! Tsaka ano namang kinalaman ng kalagayan ng pamilya ni Korra?

Alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon ang habol ko. 

"Korrazon Luna ba yung buo niyang pangalan?" Tanong ni Papa habang binababa ang baso niya na may champagne.

Hindi ako umimik, si Kuya Primo na yung nagsalita para saakin.

"The Luna family, naalala ko pa noon kung gaano mamahala ng kompanya ang mga 'yon." Kuya Primo informed while casually drinking her can of soda.

Tumango si Papa. "They're tyrants, hindi ko masasabing pangit ang method nila ng pamamahala dahil wala namang mali sa ginagawa nila. Everthing is fair in the business industry."

Alam ko kung anong ibig sabihin ni Papa kapag sinasabi niya ang kasabihan na iyon "everything is fair in the business industry."

"Hindi ganoon si Korra." Seryoso ko'ng sinabi sakanila.

"Wala namang sinabi si papa na ganoon rin si Korra-- tsakak halata rin naman na malayong-malayo ang ugali niya kumpara sa mga magulang niya." Paliwanag naman ni kuya. 

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon