Chapter 12 (Act 2): The truth in our unsaid words
"Anger makes you stupid. Stupid gets you killed."Korrazon
Nagpatuloy lang sa paguusap si Ace pati si Connie. Sa totoo lang, silang dalawa lang naman ata ang nagkakaintindihan sa buong school.Pakiramdam ko nga sobrang unachieved ko sa buhay tuwing katabi ko 'tong si Ace-- She's smart, confident, outspoken, and beautiful. She's all that kahit na mas bata siya saamin ng dalawang taon, maaga nga lang siya nag-aral kaya grade 10 na siya ngayon, habang kami naman ay grade 11.
"I'm sure you miss him." Rinig ko na sabi ni Connie kay Ace. Sa dami ng pinag-usapan nila yung sentence lang na iyon ang nakakuha ng atensyon ko.
Mapakla na natawa si Ace. "Yeah, right." Sarkastiko niya na sinabi.
Connie smiled with a slight blush on her cheeks. "Ganyan din ako kay Gyo noon..." She paused and looked both me and Ace in the eye. She looked so serious that it almost felt frightening. "I kept denying everything I felt towards him! Hanggang sa isang araw... Tinggap ko nalang na nalalag na nga ako doon sa prisipeng yelo na yon! Tapos ngayon, uh-- ngayon... Basta! 'Yon na 'yon!" Tunog natataranta siya sa huling part ng sinabi niya, sa sobrang taranta niya naging sobrang pula na ng mukha niya na parang isang kamatis.
"Tapos?" Sabay naming tinanong ni Ace sakanya.
Namula muli siya. "Wala na nga 'yon!" Sigaw nito saamin kaya medyo nabigla kami pero imbes na magalit natawa lang kami sa reaksiyon ni Connie.
Iba talaga yung epekto ni Gyo kay Connie, pakiramdam ko konti nalang at magiging kamatis na 'tong si Connie.
Hindi nagtagal nakabalik narin si Emmie pati si Cam. Bitbit ni Emmie si Cam na mukhang mas lalong lasing ngayon, napaka pula narin ng mukha niya ngayon at pinagpapawisan.
"Sinukahan pa ako eh!" Reklamo ni Emmie sabay bitaw kay Cam na ngayon ay nasa sahig na ng tent at mukhang hilong-hilo.
Kinuha ko yung pantali ni Cam na nasa bisig niya 'saka ko tinali ang makapal na mahabang kulot niyang buhok para mahanginan siya ng maayos. Mukha kasing baka masakal pa niya yung sarili niya gamit yung buhok niya.
"Jeez, she smells." Reklamo ni Ace sabay takip sakanyang ilong at kunot ng noo.
Walang malay na hinampas ni Cam si Ace mula sa likuran. "Manahimik kang anak mayaman ka! Susukahan kita, tignan mo!" Babala nito sabay gulo sakanyang buhok na kakatapos ko lang itali.
Ace just tsked and distanced herself from Cam.
"Nakakstress naman 'to." Reklamo ko sa sarili ko habang binabantayan si Cam dahil baka mapano pa.
"Magpapalit muna ako ng damit. Ikaw na bahala diyan kay Cam! Bye-bye!" Nagmamadaling sabi ni Emmie sabay takbo, iniwan niya rin saakin yung flask ni Cam.
"Mangangamoy alak ako, baka mahuli pa tayo ni Gyo kapag nilapitan ako non. Aalis narin ako!"
"Teka--"
"I should leave too, marami pa akong aasikasuhin." Sabi narin ni Ace 'saka dali-dali silang umalis at iniwan ako ng mag-isa kay Cam.
"I guess, you're stuck with me." Natatawang sinabi ni Cam saakin sabay hablot sa flask niya na nasa kamay ko.
Inalog niya ito pero napamura lang siya. "Wala ng laman." Reklamo niya sabay bato ng flask niya.
"Bakit ka kasi umiinom? Baka ma-suspend ka ulit kapag nalaman ng mga teachers... Pano kung ma-expell ka na ngayon?" Nag-aalala ko na pinaliwanag sakanya, kapag kasi kung sisigawan ko siya wala rin akong mapapala... Kung may makukuha man ako sa pagsigaw sakanya baka yung sapak niya lang 'yon.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...