Act 3, Chapter 9

15 5 0
                                    

ABYSS
Habang nagtatalo ang dalawa sa harapan ko pa mismo sinubukan ko muli i-text si Embrose na kanina pa hindi nagre-reply.

Kung sanang sumagot siya kanina edi hindi nalang sana si Gyo yung tinanong ko. That bastard of a clown.

Embrose Allideja
(Private message)

Ano ka ba? Where the heck are you?:

:Kanina ko pa natatanggap mga notif mo. Ang kulit mo!!!

Alam mo naman palang kanina pa kita tine-text bakit hindi mo sinasagot?:

:Gago.

:Jowa ba kita para pagsabihan moko? Ayos lang sana kung ikaw si Emmie eh.

Tarantado! Kakabalik ko lang po kasi galing Canada kaya po gusto ko po sana itanong sayo kung nakita mo ba si Korra?:

:Ayon. Buti naman marunong ka gumalang. Sira ulo.

:Kasama ko nga pala si Korra ngayon... Pati si Simon.

:I'm sorry.

Napabuntong-hininga nalang ako. Nakita niya? Mapait akong napangiti na napansin naman nila Teal at Paige.

"Okay ka lang?"

"What's with the bitter smile, handsome?"

Sabay nilang tinanong na binalewala ko lamang. Masyadong maraming pumapasok sa utak ko na hindi ko na alam ang dapat ko na sabihin.

Embrose Allideja
(Private message)

:Tatawagan kita. I think you need to hear this.

Ilang segundo palang ang lumilipas ng tumawag na siya. Kahit na blanko ang laman ng isip ko tinanggap ko parin ang tawag niya.

"I'm sorry, I have to go." Ani ko kay Teal at Paige.

Napatingala si Teal habang si Paige naman ay agad-agad tumango. "Yeah, go ahead." She said with a slight smile that reassured me.

Agad ako umalis at dali-dali naglakad patungo sa kung saan ko pinarada ang kotse ko.

"H-hindi ba mag-jowa kayo nun?" Rinig kong nauutal na tinanong ni Embrose.

Nalito ako sa tanong niya. Akmang tatanungin ko sana siya kung anong ibig sabihin niya ng may nagsalita.

"Hindi," Giit ng isang pamilyar na bosses mula sa kabilang linya. Nasa background lang ang bosses niya at ina-assume ko na hindi lang siya gaano kalayo mula sa telepono. "Hindi kami ni, Avi." Dagdag niya pa.

Kay Korra na bosses iyon. Sigurado ako.

Si Korra pala ang tinatanong ni Embrose.

Ito pala ang gusto niyang marinig ko.

Minute ko ang sarili ko para hindi mahalata nila Korra ang binabalak namin ni Embrose. Ay, si Embrose lang pala ang nagbalak nito. Nakisama lang ako.

Ayaw ko pa mag-react dahil totoo naman na walang kami.

But if we're talking about the future? I'll make sure I'll make her mine, and I'll be hers.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon