Chapter 1 (Act 2): A fool
"It wasn't like they couldn't love each other—"Korrazon
Senior high na kami at hindi ko namalayan na napaka bilis lang rin pala ng panahon. Nagtutunog na akong matanda."Ngayong school year sana--" Nagpatuloy ang pagsasalita ng bagong student council president, which is Constantine Enri Gueverra.
Normal lang rin naman ata na siya na yung magiging bagong president ng student council, sa pagkakaalam ko kasi simula pa nung junior high talagag si Connie AKA Constantine na talaga yung pinipili na maging president ng klase. Balita ko rin na ka-section niya si Gyo noon, pati rin yung sa strand na pinili nila ngayon pareho rin-- ABM.
Napalingon ako kung saan-saan. Kanina ko pa sinusubukan hanapin si Avi pero hindi ko talaga siya makita.
Asan na kaya yung lalaking yon?
Kanina pa ako pinag-aantay.
May naramdaman akong yumakap saakin mula sa likuran ko kaya medyo nakiliti ako lalo nang may kiliti pa naman ako sa may beywang ko.
"Did you miss me?"
I rolled my eyes at kinurot yung braso ni Rys na nakapalupot sa beywang ko. "Let go of me, Allideja." Mataray ko na sinabi habang pinipigilan yung tawa ko.
"Ayaw ko nga."
Napangiwi ako sa kalambingan nitong sira ulo na 'to. Sasapakin ko na sana siya pero bago pa mangyari 'yon inunahan na ako ni Avi.
"Gago ka?" Matalim na sinabi ni Avi bago ko ito binatukan at pilit na hiniwalay mula saakin si Rys.
Tumawa nalang ako sa pakikitungo nila sa isa't isa.
"EMRYS YOU JERK!" Rinig 'kong nababaliw na sigaw ng isang babae mula sa may entrance ng gymasium, dahilan narin kung bakit nagsitinginan yung mga tao sakanya.
Napatigil rin sa pag spe-speech si Connie dahil sa nangyari.
"Ano nanaman ba yan?" Rinig ko na mahinang sabi ni Connie mula sa microphone sa stage.
Namukaan ko yung babae na sumigaw dahil si Ace iyon, ang kapatid ni Avi. Padabog itong lumabas ng gymnasium at hindi nagtagal tumingin lahat ng tao kay Rys na nagyon ay litong-lito sa nangyari.
"You better chase after her." Avi coldly stated as if he was bringing the coldness of Christmas season with him.
Napilitan na tumakbo si Rys para habulin si Ace na ngayon ay wala na sa gymnasium. Ace is a very cunning girl. Hindi ko nga alam anong nangyari sakanya simula nung naging close sila ni Rys nung summer.
Naramdaman ko na inakbayan ako ni Avi. "Bakit mo 'yon hinahayaan na yakapin ka?"
Tinaasan ko siya ng kilay tsaka tinanggal yung braso niya na naka-akbay saakin. "Sino ba'ng nagsabi na hinayaan ko siya?" Kinurot ko pa nga 'yon eh!
"Tsk, ewan ko sayo. Nagtatampo ako." He said with a pout and I answered him with a cringe.
"Loko ka? Paki ko ba kung nagtatampo ka? Ogag ka ba?" Naiirita ko'ng sinabi sakanya 'saka nagmartsa palapit kay Emmie na masayang kausap si Embrose, syempre itong napaka-moody na si Avi ay sinundan ako.
"Joke lang kasi 'yon." Aniyang Avi pero sinungitan ko lang siya.
"Ano nanaman ba'ng pinaggagawa mo, Avi?" Tanong ni Emmie sa ngayo'y nakasimangot na Avi.
"Tinatarayan ako ng pinsan mo."
"Ako yung una mong tinarayan, wag ka'ng assuming." Gagad ko.
Natawa si Embrose sa inaasal naming dalawa ni Avi sa isa't-isa, kahit wala namang nakakatawa.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...