Act 3, Chapter 8

13 5 3
                                    

ABYSS
Sinubukan kong pakalmahin si Emmie pero kahit anong gawin ko hindi parin siya mapakali at pa-ulit ulit parin akong tinanong ng "Ikaw ba talaga yan Avi?!"

Na-stuck na nga ata sa utak ko yung tanong na 'yon dahil kanina pa siya pa-ulit ulit na parang naka-loop.

"Avi... ikaw ba talaga—"

"Oo ako si Avi. I'm real. Ngayon, sabihin mo saakin kung nasaan si Korra?" Pamumutol ko sa tatanungin niya dahil pang 10th na ulit niya ata ito.

"Kasama niya si Simon," She paused and pointed at the direction where Simon and Korra is. "Bahala ka na sa buhay mo. Galit ako sayo!" Pagmamataray niya bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa may CR ng munisipyo.

Mabilis akong nagtungo papunta sa dreksyon na tinuro ni Emmie.

Puwede ko namang suyuin mamaya si Emmie kung galit pa siya saakin. Magpapaliwanag narin ako sakanya, sa ngayon, si Korra muna ang uunahin ko.

Panay ang ngiti ko na parang siraulo pero panay rin ang pag-aalala ko dahil baka talagang galit na galit siya saakin. Natatakot kasi ako na baka galit parin siya at hindi niya ako hayaang magpaliwanag... Ganoon naman kasi tayong mga tao diba? Kapag galit na galit kahit anong pagpapaliwanag pa ang gawin nila hindi parin natin sila kakayaning patawarin.

Nag-angat ako ng tingin kay Korra na marahang pinupunasan ang mga labi ni Simon, mukhang dumudugo ito. Dahil naman sa pag-aakala na baka tinutulungan niya lang ang tao hindi ako nagalit o nagselos man lang. Tinutulungan lang nga kasi niya!

Mukha silang nag-uusap kaya hindi muna ako nakisali. Lalapitan ko nalang sila kapag hindi na sila busy, ayaw ko sila ma-istorbo.

The next thing I saw broke my heart, so damn much that I wanted to convince myself that this is just a dream.

They're... kissing.

Agad ako tumalikod at mabilis na umalis. Nanginginig ang mga kamay ko at halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko.

Nangingig ko na kinuha yung susi sa kotse ko pero nahulog ko lang iyon. Mapait akong natawa, 'saka ko nalang napansin na bumaba na pala ang mga luha ko at mukhang hindi sa sila titigil.

"Hey," Aniyang babaeng bosses mula sa harapan ko. "I'm Paige." Pagpapakilala nito.

"May kailangan ka?" Walang emosyon ko na tanong sakanya habang patago na pinupunasan ang mga luha ko.

"And you're crying. Jeez, who would make a handsome guy like you cry?" Komento niya habang umiiling.

Sumingot ako 'saka nilamigan ang expresyon ko sa mukha. "Kailangan ko na umalis." Ani ko.

"Seriously? Not even treating me, at least?"

Nakatalikod na ako sakanya kaya hindi ko alam kun talagang seryoso ba siya o hindi.

"It was nice meeting you, Paige," Nilingunan ko siya 'saka peke na ngumiti. "But I'd rather treat the girl who broke my heart." Dagdag ko.

Akmang ipagpapatuloy ko na ang pag-alis ko ng humabol siya saakin 'saka ako nginitian; her smile was bright, at ngayon na nakikita ko na siya ng malapitan napansin ko na napaka ganda niya. Her hair dropped to the end of her spinal cord, she has very distinct almond colored cat eyes, a pointed nose, small lips that had the same color as roses, and a tiny mole just below the corner of her eyes. Hindi naman ata sikreto na napaka ganda ng babae na ito.

Mas maganda parin si Korra.

Simple lang naman ang itsura ni Korra pero hindi ko alam bakit gustong-gusto ko siya. Maybe because of that damn smile... or maybe it's her eyes that just draws people in, and once you're entangled, you can never come back out.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon