Chapter 7 (Act 2): On flames
"If you want to fly, give up everything that weighs you down."Abyss
"Ano? Diba nga yung sinabi ko hindi muna ako mag papa-opera?" Paalala ko sa mga magulang ko dahil parang nakalimutan nila 'yon."Gusto ka nila ma-check up sa personal."
I scoffed.
Seriously?
"Pupunta ka sa Canada at magpapa check-up ka. They'll just check on you, wag ka mag-alala." Pamimilit nila saakin.
"You'll be back before you know it." Dagdag naman ni Mama.
Humalukipkip ako at pinagisipan ang alok nila. Hindi naman talaga alok 'yon dahil wala naman silang binibigay na iba pang choice saakin.
"Okay, sige." Nagaalala ako. Sobra.
-
"Kalma lang, check up nga lang diba?"
Tumango ako.
Check-up nga lang naman talaga! Pero bakit ako nag-aalala?
"Avi! Where the hell are you?!" Sigaw ni Ace habang naririnig ko siyang nagdadabog.
Natawa si Kuya sa inaasal ni Ace bago ako nilingunan. "What'd you do this time?" Tanong niya.
"Ewan--"
Naputol ang sinasabi ko nang biglaan nalang lumipad yung pintuan ng kuwarto ko pabukas.
"IKAW!!!" Puno ng galit ang mukha ni Ace habang tinuturo ako.
Agad agad ako napatayo dahil sa takot na baka pag nakalapit siya saakin mapatay niya ako ng dis oras.
Natawa lang si Kuya na parang gago.
"A-ano?" Nauutal ko na tanong sakanya.
Oo na't nakababata ko siyang kapatid pero may pagka abnormal yan eh!
"Bakit hindi mo pa sinasabi sa mga kaibigan mo 'yang tungkol sa sakit mo, huh?!"
Napangiwi ako. "K-kase, ayaw ko?" Ayaw ko naman kasi talaga!
"Are you stupid? You must be stupid!" Sigaw niya saakin na ikinasimangot ko.
Grabe naman rin itong si Ace kung makatawag ng stupid.
Hindi ko naman maiitatanggi na hindi ako magaling mag desisyon pero hindi naman ibig sabihin non bobo na ako.
"Ano ba'ng nangyari?" Tamad na tinanong ni Kuya kay Ace na hanggang ngayon ay galit na galit parin.
"Alam mo ba kung gaano na nag-aalala si Rys sayo? You're being immature and unjust! You have to tell them! You're playing fire with fire!" She ranted, not showing at least one sign that she'll calm down anytime soon. She's just furious.
She looks like she'll kill someone— that someone, being me.
"Mas okay na nga hindi nila alam. Mag-aalala lang yung mga 'yon."
Ayaw ko lang naman mag-alala sila saakin, gaano ba kahirap intindihin yon?
"Sasaktan mo lang sila."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Sasaktan?
Hindi ko mapigilan yung sarili 'kong maalala si Korra. Masasaktan ko siya kung hindi ko sasabihin sakanya... pero paano kung sinabi ko nga sakanya pero matatakot lang siya at iiwan ako? Paano na 'non?
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...