KORRAZON
"Nasa Canada si Avi." Biglaang sabi ni Emmie na ikinabigla ko. Pati rin si Cam nabigla, halata naman sa itsura niya ngayon."Ano namang ginagawa niya ulit doon?!" Sabay tanong namin ni Cam.
Tinignan ko siya ng masama. "Bakit concern na concern ka kung asaan si Avi?" Tanong ko sakanya na ikinalaki ng mga mata niya.
"Huwag mo sabihing nagseselos ka?" Natatawa niyang tanong saakin pabalik.
Hindi ako agad nakasagot kaya pinagtawanan niya ako. Si Emmie naman ay napa-hinga lang ng malalim.
Napatikhim ako. "Tanong lang naman-- at tsaka bakit naman ako magseselos?"
Napa-awang ang bibig niya habang tinitignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita.
"Nagseselos ka nga!" sabi niya pa sabay turo saakin.
Kumusot ang mukha ko.
Baka kung hindi tumigil itong si Cam ipatapon ko siya sa imburnal!
Bago pa ako makapag-react naramdaman ko nalang ang pagkurot ni Emmie saakin. Napangiwi at sigaw ako sa sakit habang si Cam ay kagaya ko lang rin na nagwawala.
"Masakit, Emmie!" Sigaw ko sakanya habang sinusubukan pa ring alisin ang kamay niya sa tenga ko.
"Wag nga kayong nag tatalo dahil lang sa isang multo." Reklamo niya bago siya bumitaw sa tenga namin.
Nakaramdam ako ng matinding sakit nung sinubukan ko na hawakan ang tenga ko. "Shit." Wala sa sarili kong sinabi nung nakita ang dugo na nagmula doon.
Iba talaga mangurot yung pinsan ko. Nakakamatay na.
ABYSS
Tahimik ako na nagpapahinga ng bigla nag-ring ang cellphone ko. Agad ako tumakbo para kunin iyon at sagutin ang tawag dahil naisip ko na baka si Korra iyon.Mapait akong natawa nung nakita ko kung sino ang tumatawag.
"Saena," Bati ko sa hindi masaganang tono ng bosses. "Do you need anything?" Casual ko na tanong.
"Avi! I heard you're in Canada?"
Pakiramdam ko ay nanigas na ako sa kinaroroonan ko.
Paano niya nalaman?
"What is it to you?" Tanong ko pabalik sakanya.
Oo na't magkaibigan na kami ni Saena pero medyo nalulungkot pa rin ako na hindi si Korra ang tumawag saakin. Ilang araw na rin kasi akong umaasa na sana tawagan niya ako. Ayaw ko naman kasing ako mismo yung tumawag sa kaniya dahil baka wala siya sa mood.
"I-I need your help." Narinig ko ang pangingig sa bosses niya kaya ako nagsimulang mag-alala.
"What can I do?"
"Magkita tayo sa red stained glass in Quebec mamayang 4pm. I don't have much time." Halata naman ang pagmamadali sa bosses niya.
"Wait— andito ka rin sa Canada? Anong ginagawa mo dito?"
"I really don't have time. Just ask me your questions later." With that said she ended the call.
"Mr. Arcilla?" Rinig kong sabi ng isang babaeng bosses mula sa pinto kasabay narin sa pagtawag niya saakin ay ang pagkatok niya sa pintuan na parang hindi siya mapakali.
"Mr. Arcilla are you there? Please unlock the door." Malalim at nakaka-intimidate ang bosses ng lalaki habang nakikisabay narin sa pagkatok.
Shit. Ano nanaman ba yan?
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...