Act 2, Chapter 9

27 4 4
                                    

Chapter 9 (Act 2): A cloud that aligns
"Life would probably be much more easier if only we say what we really want to say."

Korrazon

"Iniwan niyo naman kasi ako kanina 'yan tuloy!"

Tumango-tango lang si Emmie, halata ang ka-lutangan dahil wala naman itong tinitignan sa malawak na view mula dito sa Eden's Solace.

"Emmie!" Sigaw ko dito. Napa-kurap siya at agad bumaling saakin ng nakakunot ang nuo na parang ligaw na ligaw.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Ayos ka lang ba? Kanina galit ka tapos ngayon ang lutang mo naman. Naubos ba yung energy mo sa kakasigaw kay Embrose na parang nang bukas?" Pa-sarkastiko ko na tinanong.

Biglaan nalang siya tumawa na parang baliw. "Sinusubukan ko lang naman i-process kung ano yung nangyari..." Pabebe nito na sinabi habang pinaglalaruan ang buhok niya na pagka-haba haba.

"Ano ba yung nangyari?"

She pouted and crossed her arms. "I won't tell you." Aniya.

"Bakit?" Nagtataka ko na tinanong sakanya.

"I can't."

I rolled my eyes, groaning in annoyance. "Fine. Edi wag." Mataray ko na sinabi since tinatarayan niya narin naman ako.

"Sorry insan, di ko talaga puwede sabihin sayo--"

"Ayaw mo lang sabihin."

She pouted and clung onto me like a little kid wanting to get attention.

"Korra naman eh..." Malambing niyang sinasabi habang patuloy parin sa pagpapa-cute.

I mean, who could say no to Emmie? 

Kaso siguro sa sobrang tagal na naming magkakilala naging immune na ako sakanya.

Magsasalita na sana ako pero napatigil ako nung napansin ko na naglalakad palapit saamin sila Embrose, Gyo, at Avi. God, kung sanang si Emrys kasama rin sakanila nagmukha na siguro silang grupo ng mga modelo.

Nagkatinginan kami ni Avi pero agad rin naman ako tumingin palayo. Nahihiya ako dahil sa pakikitungo ko sakanya... Pati kasi ako nalilito sa sarili 'kong ugali.

"Umalis na ba sila?" Tanong ni Emmie habang sinusubukang itago ang mukha niyang namumula.

Mukha na siyang kamatis.

"Iiwasan mo nanaman ba ako?" Rinig ko na tanong ni Embrose kay Emmie bago ito nagpatuloy sa paglalakad palayo.

I glanced at Avi, and sure enough he was looking at me— wood colored eyes and all.

"I miss you." He mouthed with a sad expression.

Shit

Mali ba yung nakita ko? Nababaliw na ba ako? Puwede ba na mag hallucinate kapag kakagaling mo lang sa hilo? Pero uminom na ako ng bonamine at nawala naman ang hilo ko! Sariwa naman yung hangin dito kaya impossibleng nababaliw na ako sa mga nakikita ko— argh! Ewan ko ba!

"Avi--"

"Halika na nga!" Sigaw bigla ni Emmie habang sinusubukan parin na itago ang mukha niya 'saka niya ako hinahatak papunta sa mga tent.

"Ano ba kasing nangyayari? Ang weird ng mga kilos mo!" Reklamo ko dito dahil pakiramdam ko sunod lang ako ng sunod ng wala namang dahilan.

Humarap siya saakin, namumula parin ang mukha. "S-si— si ano! Si Embrose kasi!" Naiistress nitong sinabi habang chineck kung may mga tao ba sa paligid namin.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon