ABYSS
"Excited talaga?" Tanong saakin ni Ace na ikinasimangot ko lang.Hindi ko siya sinagot. Hindi ko man lang nga siya tinignan eh, patuloy lang talaga ang pagtingin ko sa may tanawin habang nasa ere and eroplano na aming sinasakyan.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Who am I kidding? Syempre excited ka! May naghihintay sayo eh. Samantalang saakin nga-nga." Reklamo niya na agad ko naman ikinabaling.
Napansin ko ang matatalas niyang mata na titig na titig saakin habang sumisimsim ng wine.
Mukha siyang namatayan dahil sa suot niya na pagkaitim-itim at naka shades pa siya. Ace always walks with grace and elegance— as if the world is the runaway.
She acts as if the whole world is watching her.
Sa totoo lang hindi ko ako siguro kung magandang bagay ba ang pagiging prudent niya o hindi. I'm not saying that she should not be cautious about things but she has to understand that not everyone will hurt or betray her.
Pero sino naman bang niloloko ko? Kahit nga sariling pamilya niya hindi niya kaya pagkatiwalaan.
"Are you done staring at my gracefulness, Avi?"
Nanlaki ang mata ko at hindi napigilan ang sarili sa pagtawa. "Don't flatter yourself, alright, lil sis?" Ani ko sakanya na mukhang ikinainis niya pero hindi niya ito pinahalata saakin.
-
Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagmamaneho papunta sa Florida Blanca. Mga 20 minutes palang kami bumibiyahe ni Ace ngunit panay parin ang ngiti ko. Napatingin ako sa salamin kung saan nakikita ko si Ace na busy sa pagbabasa ng libro. Nagkasalubong ang kilay ko sa ginagawa niya dahil ang madalas niyang hawak sa mga kamay niya ay ang cellphone niya.
"Kailan ka pa nagkaroon ng hilig sa mga libro?" Tanong ko sakanya bago ibinalik ang tingin ko sa daan.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. "It helps." Sagot niya ng walang emosyon sa bosses.
"Sino namang nagsabi sayo nun?"
"Connie," She paused. I heard her close the book. "She said it helps when you want to forget about someone." She added.
"Ano ba kasing nangyari sainyo ni Emrys? You two got along so well--"
"It's my fault. That's all you need to know." Mariin niya na sinabi kaya napatahimik nalang ako.
It's no use asking her if she won't tell me anything. Baka mapatay niya pa ako kung pipilitin ko siya sumagot... Ayaw ko pa naman mamatay. I'm too young to die! Tsaka kakagaling ko lang sa hospital!
"Gusto mo pag-usapan natin?" Tanong ko sakanya dahil nagsisimula na akong mag-alala sa kalagayan niya.
She's heartbroken. Alam ko naman yon dahil sa pag-aasal niya simula nung nagka-watak sila ni Emrys.
"Maybe some other time." Bakas ang lungkot sa bosses niya.
KORRAZON
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na ikinasimangot niya."Civilian rin naman ako dito. May masama ba kung pumunta ako?"
Napansin ko si Cam na tumatayo ng tuwid bago tinapon sa pagmumukha ni Simon ang flask niya. Tumunog ang flask niya na dilaw nung tumama ito sa mukha ni Simon dahilan kung bakit nag-panic si Emmie.
"Cam! Nakakasakit ka!" Singhal ni Emmie kay Cam sabay awat dito.
Ako naman ay napatingin lang kay Simon na ngayon ay dumudugo na ang labi dahil doon iyon mismong tumama.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
Любовные романыWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...