Act 3, Chapter 12

23 5 2
                                    

KORRAZON
"Puwede namang magpatuloy nalang kayo sa buhay ninyo diba? Bakit kailangan niyo pa mag-usap? Baka masaktan ka lang lalo..." Athy suggested while frowning.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya 'saka bumalik sa pagdungaw sa bintana para hindi ako mahilo. Delikado naman kasi 'to. Hindi pa ako naka-inom ng bonamine bago bumiyahe! Baka mahilo ako at magsuka! Putangina!

"Korra?" Pananawag saakin ni Athy.

"Kailangan namin mag-usap. Kailangan namin magka-ayos." Sagot ko ng hindi parin siya tinitignan.

"Pero baka masaktan ka lang! Diba, Fifth?" Humingi pa talaga siya ng back-up mula kay Fifth.

Napabuntong-hininga lamang si Fifth. "Prevention is always better than cure, Korra." Naiilang na sinabi ni Fifth na ikinakunot naman ng nuo ko.

"How can you two say that? You two really are meant to be, huh? You two are both..." Napahinto ako sa pagsasalita nung na-realize ko kung anong pinagsasabi ko. I'm just the same as them before. "You two are both afraid of risking!" I pointed out.

Biglang gumalaw ng dis oras ang kotse kaya napasigaw ako sa gulat pati narin sa takot. "Fifth! Ayaw ko pa mamatay kaya ayusin mo yang pagmamaneho mo!" Reklamo ko sakanya sabay hilot sa nuo ko dahil nagsisimula na akong mahilo sa kakasalita.

"Oo nga naman Fifth, ayusin mo nga yang pagmamaneho mo..." Mahinang sinabi ni Athy.

Fifth scoffed in disbelief.

ABYSS
"Ready ka na?" Biro saakin ni Saena na ikinatawa ko nalang.

"Bawal na ba mag back-out?" Tanong ko sakanya pero sumimangot lang siya.

"Nope." She said before flicking her hair.

Umupo na lamang ako sa isa sa mga upuan kung saan naka-dungaw ang magandang tanawin na makikita mula dito sa eden's solace.

"Shit," Rinig kong sabi ni Saena kay napabaling ako sakanya. "He's fucking here." Sabi niya bigla kaya mas lalo lang ako nalito.

"Sino?"

"That damned Shrek lookalike's here." She said with a ferocious fire in her eyes.

"You mean Threk?" Tanong ko para lang naman manigurado.

Agad napalitan ang mukha niyang irritado sa pagdisgusto. "Even his name sounds like Shrek." Mahina niyang sinabi.

"He's a good guy, Saena." Ani ko dahil iyon narin naman talaga ang katotohanan.

Those two days I spent accompanying Saena back in Canada? I actually met Threk. Kinausap niya ako. He asked about Saena and what I am to her, sympre dahil ayaw ko na mapagkamalan kami dahil hindi naman 'yon kasama sa usapan naming dalawa, sinabi ko yung totoo na magkaibigan lang naman kami.

"Exactly." Saad naman niya.

Sometimes I have a hard time understanding this girl.

Sadyang baliktad lang ba talaga ang utak niya at ayaw niya sa mabubuting tao kagaya ni Threk?

"You're very complicated, Saena." Ani ko habang umiiling.

"Alam ko naman yon."

KORRAZON
Nung nakarating na kami sa eden's solace napangiti nalang ako, kalaunan nagsimula na ako magtaka.

"Bakit pala dito kami mag-uusap?" Pagtataka ko sa sarili dahil mas malapit kung doon nalang kami mismo sa Florida Blanca mag-usap.

"Where's that damned--"

"Fifth! Tama na." Pagbabawal ko sakanya dahil kanina niya pa pinagmumura si Avi kahit wala namang ginawang mali yung tao.

Ako yung may nagawang mali kaya ako dapat ang pagmumurahin, hindi si Avi.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon