Act 2, Chapter 22

22 6 36
                                    

Chapter 22 (Act 2): Life's too short
"If you can't be their first choice, don't be an option at all."

KORRAZON

Kanina ko pa napapansin si Avi na nakatingin saakin and it's really starting to irritate the hell out of me.

Tumayo ako sa gitna ng pag-uusap naming tatlo ni Emmie at Mabel 'saka nagmartsa palapit kay Avi na ngayon ay walang emosyon ang mukha.

"Ano ba? May gusto ka ba sabihin?" Naiirita ko na tanong sakanya para tumigil na siya sa pagtingin saakin na parang may utang ako sakanya.

He looked intensely at me, like he was looking straight into my soul.

"Totoo ba?" Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin saakin.

"Ang alin?"

"Na ikakasal ka kay Fifth?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong niya. 

Wala akong masabi.

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin; ayaw ko siya saktan pero ayaw ko rin naman magsinungaling sakanya. 

Sa totoo lang... pinag-iisipan ko na kung dapat ba na pakasalan ko nalang talaga si Fifth para lang matanggap ako ng pamilya ko.   

-

Hindi na namin napag usapan ng maayos ang tungkol sa... kanina, dahil biglaan nalang siyang umalis. Hindi ko na siya na-habol. 

Hindi rin siya pumasok ngayon kaya mas lalo akong nag-alala.

Biglaan nalang nag ingay ang mga kaklase ko na parang may nakita silang nakakabigla. Napatingin ako sa may pintuan ng classroom namin at nakita ko si Avi.

Magulo ang buhok niya kaya nanibago ako, madalas kasing naka ayos iyon kaya napaka linis niya tignan— ang madalas na maayos na pagka-ayos sa uniform niya ay wala narin. Maluwang ang pagkakaayos ng necktie niya at hindi rin nakabutones ng maayos ang polo niya.

"Mr. Arcilla 'wag kang papasok sa klase ko na ganyan ang itsura. Napaka walang galang mo talagang bata—"

Wala sa sarili akong napatayo.

"— Ako nalang po ang bahala sakanya." Hindi ko alam kung bakit pa ba ako nagsalita. Tiyak na pati ako ay madadamay nito.

Hindi nagtagal biglaan nalang humandusay sa sahig si Avi.

Narinig ko ang mga sigawan ng mga kaklase ko at ang pagka-taranta ng guro namin pero mahina lang ang lahat ng 'yon sa panrinig ko.

Ang tanging narinig ko lamang ay ang malakas na pag tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. 


ABYSS

Dahan-dahan ko binuksan ang mga mata ko. Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa may tiyan.

Pinilit ko ang sakit na naramdaman dahil alam ko na mawawala rin naman iyon.

Napabuntonghininga ako. 

"Avi..." Rinig kong bulong ng isang pamilyar na bosses sa may tabi ko.

Nakita ko si Korra na nakaupo sa gilid ng higaan ko— nakahawak siya sa mga kamay ko at mahimbing ang tulog niya.

Nung natanggap ko na ang katotohanan na hindi ako naghahallucinate lang naramdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko at pag init ng aking katawan.

Niyugyog ko siya para tanungin siya kung bakit nasa school clinic ako pero hindi siya gumising— humigpit lang lalo ang paghawak niya sa kamay ko.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon