Act 2, Chapter 8

39 4 3
                                    

Chapter 8 (Act 2): Nauseous
"Time is moving slowly but at the same time incredibly fast."

Abyss

Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-aalala.

"I'm picky to whom I should trust."

Mapait akong natawa. 

Siguro pinariringgan niya ako? Dapat ba na tanungin ko siya ng diretso?

Napakamot ako sa ulo ako dahil sa kakaisip. Wala naman akong mapapala kung tatanungin ko siya— baka masaktan lang ako kaya mas ok na magpaka-bingi.

Ewan ko ba kung bakit nagpapaka tanga ako pagdating sakanya.

I took a look at her, she was sitting beside me since she didn't have much of a choice.

Pinilit kasi siya ni Ace na magtabi raw sila ni Rys, habang si Embrose naman ay ayaw humiwalay kay Emmie... ganoon narin si Gyo kay Connie, nasa pinaka harapan pa nga sila ng upuan ng bus.

Bumalik ang tingin ko kay Korra nakadungaw siya sa bintana at parang nagcoconcentrate.

Sana ako nalang yung bintana para ganyan din siya makatingin saakin.

"Grabe ka naman kung makatingin," Sabi ko sakanya. Medyo nabigla siya kaya natawa ako. "Mahihilo ka n'yan." Pagaalala ko sakanya dahil napapansin ko narin na nahihilo siya.

"Ayos lang ako..." She insisted kahit na hindi naman siya mukhang maayos. Mukha na nga siyang mahihimatay dahil sobrang putla na ng mukha niya.

Nginitian niya ako bago bumalik sa pagtingin sa bintana na para bang nakasalalay doon ang buhay niya.

Kinuha ko yung bag ko na nakalagay sa may paahanan ko 'saka ko kinuha yung nakaplastic na pills ng bonamine na binili ko kanina. Bumili narin ako ng gatorade at cup noodles kung baka sakali na masuka siya.

Tumikhim ako para makuha ang attensyon niya. Gumana naman dahil napalingon siya saakin at ngayon ay pinagpapawisan na.

"Inumin mo 'to, alam ko na dapat i-take siya one hour before travelling kaso inassume ko na uminom ka na, kaso ngayon nagkakaganito ka." Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya pero nagawa ko naman na magmukhang kalmado para sakanya. Baka kasi ma-weirdohan saakin.

Lumamlam yung expresyon niya sa mukha 'saka siya ngumiti.

Puta, yung puso ko.

"Salamat, Avi. Salamat talaga." Malambing niyang sinabi saakin bago tinanggap yung bonamine at gatorade.

Napatulala ako. 

I was rooted in place because of how she smiled at me— she smiled at me as if I was the most important person in her life.

Ganoon naman rin siya sa lahat kaya bakit para akong tanga ngayon?

Namula yung pisnge ko. "W-walang anuman. Kung gusto mo pa ng tulong— uh, sabihin mo lang!" God, I'm a mess.

"Okay." Tahimik niyang sinabi. Nabigla nalang ako ng biglaan nalang niyang ginawang unan ang aking balikat.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon