Act 2, Chapter 28

16 3 0
                                    

Chapter 28 (Act 2): Blissful chaos
"You are the best thing I have ever waited for."

ABYSS

Napasuntok ako sa hangin nung naka-akyat na si Korra sa kuwarto niya para siguro magpalit ng damit. Pumayag siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag siya. 

Ang ganda niyang tignan, ngayon ko lang siya nakitang mag-ayos. Naiinis nga lang ako dahil suot niya yung jacket ni Fifth. Pero sino ba naman ako para mag-reklamo? Wala namang kami.

Napailing ako. 

I'm thinking too much. 

Alam ko naman na walang magandang naidudulot ang pag-iisip masyado.

"Natanong mo na siya?" Tanong saakin ni Emmie habang nakatingin sa oven.

Napangiti ako. "Sino ba yung tinatanong mo, yung oven o ako?" Biro ko na ikinatawa naman niya.

"I'm serious!"

Mahina akong natawa dahil sa seryoso niya na mukha.

"Natanong ko na siya." Ani ko dahilan kung bakit napangiti siya.

"And?" She urged.

"Pumayag siya."

She jumped up and hugged me. "Hurt her and I'll kill you." She softly, yet murderously whispered against my ear.

"Emmie," Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tinignan siya. "I need to tell you something." Paliwanag ko.

"Ano?" Agad ko nakita ang pag-aalala sa mukha niya.

"Babalik ako sa Canada ng sunday." Paliwanag ko.

"Akala ko pa naman kung ano." Reklamo niya 'saka niya ako mahinang sinuntok.

Akmang babalik na siya sa panonood ng mga binake niya na pandesal sa oven ng biglaan nalang siya tumigil at tinignan ako.

"Nasabi mo na kay Korra?" Tanong niya.

Umiling ako kaya siya napasimangot.

"Ayaw ko siya mag-alala." Paliwanag ko.

"Pero masasaktan mo siya. Ano bang gagawin mo doon? Importante ba?" Wala akong masabi dahil hindi rin naman alam ni Emmie ang tungkol sa sakit ko. "Well?" Tanong niya saakin.

Ang alam niya lang ay bawal ako sa mga ibang pagkain dahil... allergy. Syempre nagsinungaling ako para hindi na rin siya mag-alala. 

"Mag papa-oper—"

"Emmie? Yung pandesal nangangamoy na." Rinig kong sabi ni Korra habang pababa ng hagdan kaya napatigil ako sa pagsasalita si Emmie naman ay agad na pinuntahan ang oven at dali-dali itong pinatay.


KORRAZON

Hindi ko alam pero parang may nangyari kay Emmie at Avi habang wala ako. Pareho kasi silang tahimik.

Tumawa ako kahit nakakabigla at wala namang nakakatawa sa sitwasyon namin ngayon.

"Ang tahimik ninyong dalawa. May tinatago kayo 'no?" Pagbibintang ko habang tinuturo silang dalawa.

"Wala kaming tinatago." Sabay sabi nila.

"Aha! Sabi ko na eh! Sabihin niyo na gusto ko rin maka-relate sa kung ano mang tinatago ninyo." Ani ko.

"Eh kasi, Korra—"

"Aalis na ako. Kanina ko pa gustong umalis hindi ko lang masabi. Baka rin kasi hinahanap na ako ng mga magulang ko." Paliwanag ni Avi. Agad-agad siya tumayo at lumabas ng bahay na parang napapaso.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon