Act 2, Chapter 10

33 4 4
                                    

Chapter 10 (Act 2): Shelter
"I hope you stick by my side, even if it's the end of the world."

Abyss

"I really did miss you." Nilunok ko na lahat ng hiya ko at diretsong sinabi sakanya yon.

Hindi niya ako sinagot. Nanatiling tahimik ang kalagayan naming dalawa.

Halos isang minuto bago siya nagsalita, dahilan kung bakit nasira ang katahimikan na namamagitan saaming dalawa.

"Alam mo," She paused and looked me in the eye. "I like you, Avi" Naka-yuko niyang sinabi. Akmang magsasalita sana ako ng ngunit inunahan niya ako. "So much, that it scares me." Pabulong niya na sinabi.

"Let me stay with you," Mahina akong tumawa. Tuwang-tuwa ako sa inamin niya saakin. "You really don't have to push me away just because you're scared. Hell, I'm scared too. But I like being with you and... I just can't keep fear from stopping me. I just... like you so much. I love you, really." Napakamot ako sa ulo ko habang mahina pa rin na tumatawa. Nakakahiya palang umamin ng ganito. 

Namilog ang mga mata niya 'saka agad-agad tumingin palayo bago bumaling muli saakin na namumula ang mukha. "G-gusto mo ako?" Nauutal niya na tinanong saakin na parang hindi siya makapaniwala.

Agad-agad ako tumango. "Dati pa." Nakangiti ko na sinabi sakanya sabay gulo sakanyang mahaba na buhok.

Medyo nabigla nga rin ako nung hindi niya na ulit ginupit yung buhok niya. Di bale na! Bagay naman niya kahit anong suotin o kung ano mang klaseng hairstyle ang piliin niya.

Nag-iiwas siya ng tingin saakin pero hindi ako tumingin palayo. "Dati pa kita gusto, Korra." Ulit ko na sinabi dahil parang hindi niya parin ma-process ang nangyayari.

Humarap siya saakin pero nahihirapan parin na tignan ako ng diretso sa mata.

"Bakit hindi mo sinabi? Tsaka kailan yung dati? Last year?" Nagpatuloy siya sa pagtatanong, sa sobrang dami ng mga tanong niya yung iba nalang yung naalala ko.

Napangiti ako sa nararamdaman ko para sakanya. Hindi tulad noon na palagi ko nalang sinusubukan itaboy. 

Right here, right now... I'm embracing my feelings for her with no fear.

Napatikhim ako 'saka nag-iwas ng tingin sakanya. "6 years. I've been in-love with you for 6 years." Sagot ko kahit na natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.

She looked deep into my eyes, her eyes filled with so much emotion that I couldn't describe nor count them all.

"You hated me..." Bulong niya. "We hated each other! A-ano ba kasi 'to...?" Dagdag niya, halata ang lito sa mukha niya.

"I never hated you, believe me." I was just too honest. Too ruthless.

"Pero... yung mga sinasabi mo saakin noon. Halatang—"

"Gusto kita-- gustong-gusto kita, Korra. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko noon, masyado lang kasi akong... insensitive noon. Sorry. I'm sorry. Pero, mayroon pa namang pagkakataon para magbago ako diba-- nagbago naman ako diba? Hindi pa ba sapat 'yon? Are my feelings for you not enough?" Sinubukan ko siyang hinawakan sa kamay pero iniwasan niya 'yon. 

Natatakot ako na baka biglaan isang araw magkamali siya ng akala-- 

And that misunderstanding would be the cause of our end.

I don't want this to end.

"They're not enough. Not for a girl like me, lalo na dahil sa kung ano tayo dati. I thought you hated me for christ's sake." Mapait siyang natawa sabay gulo sa buhok niya dahil sa sobrang lito sa kung anong nangyayari.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon