Chapter 18 (Act 2): Weak
"And when he smiles my heart softens."Korrazon
"Sumama na kasi kayo sa party, wala namang alak doon!" Pamimilit saamin ni Cam habang naglalakad kami pauwi.Katulad ng noon, magkakasama kaming lahat, maliban lang si Gyo, Connie... And Avi.
Sa pagkakaalam ko kasi mas lalong naging busy si Gyo at Connie ngayon pinapaganda nila ang mga college portfolios nila-- that means they're both perfecting it to the point na kung kakailanganin sasalihan nila lahat ng events ng school at ang pag vo-volunteer sa mga school programs.
Tahimik lang kaming apat ni Emmie, Embrose, tsaka Emrys.
Ang tanging naririnig lang namin ay ang ingay ng paglalakad namin dahil medyo sira na ang daan.
"So, um-- ang tahimik." Aniyang Emrys, as usual siya talaga ang unang dadaldal tuwing trahimik ang kalagayan.
"Hmm, ganon ba?" Walang emosyon na tanong ni Emmie. Hindi namin alam kung sino ang tinatanong niya, kami ba o ang sarili niya?
Ano bang meron?
Pinaka-tignan ko si Emmie tsaka si Embrose. Kanina ang ayos-ayos nila tapos ngayon mukha na silang mga patay-- I wouldn't blame them. Nakakalito narin kasi yung sitwasyon nila... Mas lalo tuloy akong nalilito ngayon dahil hindi ko naman sila naabutan na magkasama nung andito pa ako.
Hindi ko alam yung buong kuwento nila kaya wala akong karapatan para mag assume ng kung ano-ano.
Problema na nilang dalawa yan.
Tinapik ako ni Rys sa balikat saka bumulong saakin. "Bakit parang wala sa mood si Emmie?" Aniya.
"Mas mabuti na hindi mo nalang alam, 'di kaya tanungin mo sa kambal mo." I shrugged.
"Dahil ba pinagtripan ko sila kanina?" He innocently asked, with guilt in his eyes.
Napabuntong-hininga ako. "Hindi." Walang pagdadalwang-isip ko na sinagot.
Hindi nagtagal tumabi saakin si Emmie at mukhang wala nga talaga sa mood. "Ikaw nalang yung dumaan mamaya sa may 7-11 uuwi na ako agad, baka raw kasi bumisita sila mama ngayon." Payo niya.
Tumango ako at hindi nalang siya sinagot-- she looks like she'll snap at any moment.
"Magtra-tricycle nalang ako." Aniya 'saka nagpara sa isa sa mga paparating na tricycle.
Nakita ko na pinigilan siya ni Embrose, mukhang nagsasagutan sila.
"Alis na tayo." Sabi ko kay Rys na ngayon ay mukhang nag-aalala.
Hindi ko naiintindihan bakit nag-aalala si Rys, eh palagi naman nagkakaganyan si Embrose tsaka si Emmie. Nasanay nalang nga ako eh.
-
Ako nalang rin ang mag-isa na pumunta sa 7-11 dahil narin nadatnan kami ni Ace-- she looked furious at me, nagselos siguro dahil hindi niya naabutan si Rys sa school. Ayon dahil narin dinala siya ng selos pinilit niya si Rys na sumabay nalang sakanya, pumayag naman ako dahil wala namang masama doon, lalo na ngayon-- sila narin naman.
Ace made sure the whole school knew that.
Napaka-vocal niya talaga na tao pagdating kay Rys.
"Ito lang po?" Tanong nung cashier saakin.
Tumango ako; dalawang 1.5 liter na coke tsaka iilang mga chichirya.
Binigay niya saakin yung sukli 'saka ko kinuha yung nakaplastic na pinamili ko at agad-agad na lumabas ng 7-11.
Dahil broke ako at konti lang ang binigay na pera saakin ni Emmie wala nang natira saakin na pang tricycle.
Tahimik ako naglalakad pauwi habang mahina na kinakanta yung pinapatugtog ko.
I was actually having a bit of fun with myself, that was until someone tapped me on the shoulder.
Tinanggal ko yung headphones ko 'saka lumingon.
Sakit lamang yung naramandam ko nung nagkatinginan kami.
"Hi..." He awkwardly greeted with a slight smile on his handsome face.
Tumango nalang ako habang nakakuyom ang kamao ko-- pinipigilan ko yung mga emosyon na nararamdaman ko habang kaharap ko siya.
"Kailangan mo ng tulong? Ihatid nalang kita," Bigla siyang tumigil sa pagsasalita, parang nahihiya. "Kung okay lang sayo?" Nag-iiwas tingin niya na tinanong.
Syempre dahil marupok ako--
"Korra!"
Simon?
Agad ako bumaling kung saan ko narinig ang pamilyar na bosses ni Simon, napansin ko na kasama niya si Cam-- madilim ang expresyon sa mukha niya at hindi ko ito mabasa.
"Akala ko ba may pupuntahan kayo ni Cam? Anong meron?" Tanong ko sakanilang dalawa.
Sasagutin na sana ako ni Simon pero pinigilan siya ni Cam. "Wala na 'yon, hindi na kami tumuloy," Binalingan niya si Avi, mukha parin siyang galit. "Bakit andito 'to?" Malamig niya na tinanong.
"Hindi--"
"Sumabay ka nalang saamin, mukhang uuwi ka narin." Aniyang Simon at susubukan na sana kunin mula saakina ng mga pinamili ko para siya na ang magbuhat ng mga iyon.
Pero bago niya pa ito makuha mula saakin pinigilan siya ni Avi.
"She's with me." He firmly stated with a cold glare that could freeze any person to death-- he looked at Simon with those eyes, and for a split second it was obvious that Simon felt intimidated.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa nangyayari.
"Bakit naman siya sasama sayo?" Mataray na tinanong ni Cam sakanya dahilan kung bakit napangiti si Simon.
Hindi nakasagot si Avi.
He looked hurt and it pained me to see him in that kind of state.
Binawi ko kay Simon yung mga supot na mga pinamili ko. "Sasabay na ako kay Avi." Ani ko 'saka ko pinasa kay Avi yung mga supot ng plastic.
"Besides," Napangiti ako bago tinignan si Simon diretso sa mata-- sa kaluluwa. "I missed him." Dagdag ko ng walang kahiya-hiya.
RupOkeSt!
Simon didn't looked angry-- not even in the slightest bit irritated, he looked entertained and a bit... proud?
Ano nanaman bang kagaguhan 'to?
"Shit." Rinig kong gulat na gulat na sinabi ni Cam sabay tawa.
Binalewala ko nalang ang mga reaksyon nila at nagpatuloy sa paglalakad, kaagad rin naman sumunod saakin si Avi.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya agad ako namula at narealize kug anong kagagahan ang pinagsasabi ko kanina. Dahil sa kahihiyan napasigaw ako 'saka pinaghahampas si Avi.
"Kasalanan mo 'to!" Reklamo ko sakanya habang hinahamapas ko siya ng hindi tinitignan.
Humalakhak siya dahil sa inaakto ko.
"Walang nakakatawa!"
Sinalo niya yung kamay ko na kanina lang na hinahampas siya 'saka niya ako tinignan ng seryoso. "Namiss rin kita." Seryoso niya na sinabi habang nakatitig saakin.
Mas lalo tuloy uminit yung pisngi ko!
"Sus, wag mo ako pinagloloko! Wala tayong label!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.
He frowned but I didn't feel guilty at all.
Ayaw ko naman kasi na uamkto na parang may kami kahit wala naman talaga.
Napa buntong-hininga siya habang kinukuha mula saakion ang mga plastic ng pinamili ko kanina sa 7-11, para siya ang magdala nito. Hinayaan ko naman siya.
"Kung maging tayo na?" Diretso niya na tinanong saakin.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...