Chapter 23 (Act 2): Resolution
"Always have an escape plan."KORRAZON
Nakatitig parin kami ni Fifth sa isa't isa ng biglaan tumunog ang cellphone ko.Agad ko ito sinagot.
"Simon?"
Bati ko sakanya.
Napatingin ako kay Fifth na ngayon ay nakatalikod mula saakin. Kahit na hindi ko nakikita ang itsura niya alam ko na malalim ang pinagiisipan niya. Halata narin naman sa body language niya.
Perks of knowing him since childhood, I guess.
"Korra! Where the hell are you? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nung nalaman ko biglaan ka nalang daw nawala after lunch?" Nagpatuloy sa pagsasalita si Simon at hindi na ako sigurado kung titigil pa ba ito.
"Ayos lang ako, kasama ko naman si Fifth."
"Si Marshall? Bakit kasama mo yan? Tsaka kailan kayo nagkita ulit? Seriously, talagang nakakalimutan mo na ako. Nagtatampo tuloy ako."
Natawa nalang ako sa pag-aasal ni Simon mula sa kabilang linya. "I promise I'll tell you everything when I get back."
Narinig ko siya na napabuntong-hininga kaya palihim ako natawa. Masyado kasi siya namromroblema. He's like a worried mom at dahil doon hindi ko na mapigilan ang tawa ko. "Okay, just please text me when you get back."
Napangiti ako. "I promise I will."
Narinig ko ang malambing niya na tawa at pag ngiti. "Good."
Agad ko na tinapos ang tawag 'saka binalik lahat ng atensyon ko kay Fifth.
"You like Athy." Saad ko.
Nilingon niya ako. "I like you too." Pagdedepensa niya.
Umiling ako.
Ano bang nangyayari sayo Fifth?
"Hindi mo ako gusto. Halatang hindi mo ako gusto, Fifth." Mariin ko na sinabi sakanya para matauhan na siya.
Deja vu, parang yung nangyari lang kay SImon.
"And you can tell?" He asked sarcastically with a bitter laugh.
"Syempre alam ko!"
"You don't know what you did to me when you left."
Guilt shot right at me.
Lumamlam ang expresyon ko pero hindi ko hinayaang magtagal iyon dahil kung bibigay ako ngayon baka kung ano pa ang masabi ko. Ayaw ko na magsisi.
I already have a fair enough share of regrets.
Hinaplos ko ang pisnge niya at tinignan siya sa mata. "I'm sorry... I really am," Bulong ko. "But Athy gave you light again and I can see that." Dagdag ko dahil alam ko na kailangan niya iyon malaman.
There was fear in his eyes as he looked at me. "I don't deserve her."
"You deserve her... You're just... Scared." Nginitian ko siya para masiguro siya at mukhang gumana iyon.
"Paano kung iwan niya ako? Baka kung anong magawa ko kung iiwan niya rin ako... Kinaya ko pa naman nung umalis ka. Pero kung si Kathrycia... I-I don't know what'll happen to me." His voice was trembling. Halata ang takot niya na mawalay kay Athy
And I admired him for that.
Buti pa siya kaya niyang aminin na ayaw niya mawalay ang isang tao mula sakanya.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...