Act 2, Chapter 19

23 3 2
                                    

Chapter 19 (Act 2): Envy
"I wish."

Korrazon

Isang malakas na sampal yung binigay ko kay Avi.

Napahawak siya sa pisnge niya kung saan ko siya sinampal. "What did I do now?" Malungkot niya na tinanong at halatang-halata ang lito sa mukha.

"Hindi ka pa nga nanliligaw sira ulo ka ba?" Nakakainis naman kasi parang tarantado kala mo kung sino kung magsabi na maging kami eh hindi pa man nga siya nanliligaw.

Parang sira-- sa sobrang sira niya beyond repair na siya.

Napakamot siya sa batok niya, napansin ko rin ang pamumula ng pisnge niya dahil sa hiya. Natawa ako sa reaksiyon niya. "E-Edi kasi manligaw ako." Nauutal niya na sinabi kaya mas lalo akong nangigigil sakanya.

"Sorry Avi, pero ayaw ko talaga. Biglaan ka nalang kasi umalis tapos hindi mo parin sinasabi saakin yung rason kung bakit sobrang tagal mo nawala-- nag-alala pa naman ako sayo." Ani ko sakanya dahil parang minamadali niya ang lahat.

"May inasikaso lang kami sa Canada, sinabi ko naman sayo--"

"Inasikaso? 'Yon lang ba talaga?" Alam ko na hindi lang iyon ang nangyari dahil halata naman sa mukha niya na may ayaw siyang sabihin saakin.

Dahan-dahan siya na tumango.

Hm. Ganon pala?

"Fine." Walang emosyon ko na sinabi 'saka kinuha yung mga plastic ng pinamili ko kanina mula sa mga kamay niya.

"Korra--"

"Miss sunset!"

Nakahinga ako ng maluwang nung narinig ko yung bosses ni Rys mula sa likuran namin. Agad ako lumingon at lumapit sakanya, dala pa nito ang tricycle niya.

"Bumalik ka?" I almost sounded happy-- that's because I am.

Masaya ako na hindi na ako mag-isa kasama yang si Avi.

Hindi ko naiintindihan bakit hindi niya kaya magsabi ng totoo saakin.

Tumango si Rys at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Na-guilty kasi ako na naiwan kita dito mag-isa. Dumaan ako sainyo kanina kaso sinabi saakin ni Emmie wala ka pa raw dahil may pinamili kaya andito ako ngayon." Paliwanag niya.

"May kasama na siya ngayon, ako nang bahala sakanya." Aniyang Avi. Mukhang naiirita pa.

Tumaas yung kilay ni Rys 'saka natawa. "Ganon ba? Edi paglalakarin mo siya e ang layo pa ng bahay niya?" Palinaw ni Rys.

Nabaling ako kay Avi dahil gusto ko makita kung anong reaksiyon niya lalo na ngayon na may point naman si Rys.

"Sige. Ihatid mo siya, pero sasama ako." Avi bargained with a poker face.

"Wala naman akong pakialam sa kung papayagan mo ako magpahatid o hindi kasi wala ka namang karapatan." Mataray ko na sinabi kay Avi habang nagdadabog papunta sa loob ng tricycle ni Rys.

"Pero nililigawan kita." Pangrarason niya na parang wala siyang naintindihan sa kahit ano mang sinabi ko kanina.

"Pinayagan ba kita?"

"Pero--"

"Just let it go, Avi." Biglaang pasingit na sinabi ni Rys, nahalata narin niya siguro yung tension na pumapagitan saaming dalawa ni Avi.

Inirapan ni Avi si Rys pero hindi naman nagpatalo si Rys dahil binalik niya ang tingin ni Avi. Sa tagal ko ng kilala si Rys ni isang besses hindi ko pa siya nakitang tumingin ng masama kahit kanino.

Siguro nahahawa na siya kay Ace lalo na ngayong lagi na sila magkasama.

"Ano naman 'yon sayo?" Aniyang Avi.

Nakita ko sa mga mata niya kung paano bumalik ang dating siya.

Rys just smirked like he didn't give a damn.

"She doesn't belong to you, Arcilla."

"Tumigil na nga kayo--"

"She doesn't belong to you too, Allideja." Avi interjected.

"Ano ba--"

"Kaya nga hayaan mo nalang siya, halata naman na ayaw ka niya kasama." Pamumutol ni Rys saakin na parang hindi nila ako naririnig na nagsasalita.

Kanina pa nila ako pinipigilan sa pagsasalita.

"Hindi ko kayang gawin 'yon." Walang emosyon na sinagot ni Avi dahilan kung bakit napatahimik si Rys at napabuntong-hininga nalang.

"Ano? Tapos na kayo?" Hindi sila umimik sa sinabi ko.

Lumabas ako ng tricyle at nagsimula nalang maglakad. Puro kaya sila salita ng salita wala naman silang pinaglalaban-- kung may pinaglalaban man sila nagmumukha lang silang mga batang nagaaway.

"Miss sun--"

"Don't call her that!" Rinig ko na babala ni Avi. Narinig ko yung mga hakbang niya na papalapit saakin pero hindi ko siya pinansin. "Korra! Korrazon!" He almost sounded like he's pleading me to come back.

Pero syempre imagination ko lang yon-- hindi naman ako yung tipo ng babae na kababaliwan ng isang lalaki. Lalo na kung ang lalaki na iyon ay si Avi.

-

"Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Emmie habang itinutulungan niya ako ilabas mula sa mga plastic ang pinamili ko.

"Oo nga naman, kanina ka pa mukhang malalim ang iniisip eh." Singit naman ni Tita bago umupo sa pinakamalapit na upuan saamin.

Umiling-iling ako. "Ayos lang ako." Pabuntong-hininga ko na sagot sakanila.

Pareho silang hindi umimik kaya napatingin akong pareho sakanila. "Bakit?" Tanong ko dahil grabe na sila makatingin kala mo parang ang lalalim ng iniisip.

"Si Avi ba?" Tanong ni Emmie dahilan kung bakit napatigil ako pagtatangal ng mga pinamili.

Sinubukan ko ngumiti. "Hindi." 

"Sinungaling." Sabay sabi ni Tita at Emmie.

Hindi ko nalang sila sinagot.

"Monti! Yung mga succulents mo naiwan mo doon baka maulanan." Aniyang Tito sabay upo sa sofa.

Agad tumayo si Tita at dali-dali lumabas para ayusin siguro ang mga halaman niya.

"Si mama talaga. Mas mahal niya pa ata yung mga halaman niya kaysa sa sarili niyang anak." Reklamo ni Emmie dahilan kung bakit natawa ako.

"Pinagseselosan mo yung mga halaman ng mama mo?" Natatawa ko na tanong sakanya dahil wala naman siyang dapat pagselosan sa mga halaman ni tita.

Sumimangot siya. "Puwede na siyang gumawa ng flower plantation sa dami ng mga halaman niya, mag maganda na ngang pinagkikitaan niya yung mga bulaklak niya eh. Sobrang dami na kaya!"

Napakamot ako sa ulo ko. "Doon ka talaga kung asaan yung pera." Tumawa ako.

"Oo. Pera eh." Tumango-tango niya na sinabi habang binubuksan yung isang plastic ng chichirya 'saka siya pumunta sa may sala at nilapitan si Tito.

"Kailan alis niyo, 'Pa?" Tanong niya habang nilalamon yung isang bag ng chichirya at mukhang wala pang balak mamigay.

"Pinapa alis mo na kami ng Mama mo agad-agad? Kakarating palang nga namin eh..." Nagtatampo na sinabi ni Tito kaya napakamot si Emmie sa ulo niya.

"Ewan ko sainyo, 'Pa." Naiirita niya na sinabi kaya napatawa si Tito.

Hindi ko alam kung bakit sobrang magkaiba si Tita Monti at ang mama ko. Tatlo silang magkakapatid pero yung mama ko lang talaga yung pinaka weird-- siguro dahil siya yung bunso? Ganon ba yon?

Paano ko naman kasi malalaman eh wala naman akong kapatid. Malay ko ba kung anong pakiramdam ng merong mas nakababata na kapatid diba?

Saaming tatlo na magpinsan sa mother's side si Emmie yung may pinaka normal na pamilya-- si Mabel kasi medyo messed up rin yung pamilya, business lang rin yung oobjective sa buhay-- pero at least pinaparamdam talaga ng mga magulang niya na mahal siya ng mga ito.

Eh yung saakin? Wala ni katiting.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon