Act 2, Chapter 17

22 4 1
                                    

Chapter 17 (Act 2): Confessions
"I love that person so much that I can sacrifice my own happiness for their own sake."

Korrazon

"Yung baliw na yon..." I mumbled to myself while staring at the monthly school newspaper. Nakadikit pa nga sa bulletin board ng school ang isang kopya.

HOT TOPIC: Simon Fuentebella in-love with a girl that goes to this school?
According to one of our journalists, Camrielle Eleanor Rosarino...

Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagbabasa at mariin nalang na napapikit.

May napansin ako na tumayo sa tabi ko at pinagmasdan narin yung bulletin board. Napabaling ako sakanya at narealize ko na si Simon pala.

"Ginawa niya talaga?" Amusement was written all over his face.

Kumunot ang nuo ko dahil  sa reaksiyon niya. "Hindi ka ba galit? Akala koba ayaw mong nadadamay 'yang sarili mo sa ganitong mga bagay?" Pagtataka ko. 

Napahinga siya ng malalim 'saka napatingala. "Hindi naman ako galit... sa totoo lang parang wala nga akong paki." Paliwanag niya, at mukhang seryoso pa siya.

Nagulat ako sa reaksiyon niya-- Ang weird kasi. Hindi siya ganito. 

"Wala na ba talaga akong chance sayo?" Tanong niya bigla saakin.

Natawa ako sa tanong niya. "Hindi mo ako gusto." Paano naman kasi siya magkakagusto saakin? Wala naman siyang rason para magustuhan niya ako.

"Gusto kita." Saad niya. 

"Hindi." Tipid ko na sinabi sakanya dahil ako mismo napapansin na hindi niya ako gusto.

Kilala ko si Simon, alam ko naman na gusto niya ako dati dahil nung umalis siya-- pero iba na ngayon, nahahalata ko na hindi niya na ako gusto sa ganoon na paraan katulad ng dati.

Napakamot siya sa ulo niya. "Mas kilala mo pa pala ako kaysa sa sarili ko, ganon?" Naiirita niya na sinabi saakin.

Duh.

"Oo, malamang." Palaban ko na sagot dahilan kung bakit biglaan nalang siya tumawa-- may pagka sira ulo rin kasi eh.

Ginulo niya yung buhok ko 'saka ngumiti. "Nililito mo naman ako eh." Reklamo niya habang nakangiti parin.

Sinimangutan ko siya. "Paano naman kita nililito?" Tanong ko.

"Basta." Aniya sabay akbay saakin. 

Iba na yung pakiramdam ng kung paano niya ako akbayan, it felt friendly... not romantic. Lihim akong napangiti dahil tama talaga ako. Walang gusto saakin si Simon. 

"Ang ganda ng ideya ko 'no?" Aniyang Cam habang naglalakad palapit saamin habang dala-dala ang kanyang journal.

"Sira ulo ka?" Mataray ko na sinabi sakanya kaya pareho sila ni Simon tumawa kahit hindi naman talaga nakakatawa.

"Aww... kinahihiya mo ba ako, hon?" Pabiro na tanong saakin ni Simon.

Tinignan lang kami ni Cam, mukhang curious na curious siya at parang nagtataka narin.

"Kayo na?" Aniyang Cam.

"Gago ka?" Gagad ko naman kay Simon. 

Sabay kami nagsalita ni Cam kaya mas lalong natawa si Simon. Kanina pa siya tumatawa-- -siguro talagang nasisiraan na siya at kailangan niya na ma-admit sa mental.

"Ano sa tingin mo, Cam?" Malamig na tanong ni Avi.

He glanced at me but it was only for a split second-- agad rin kasi siya tumingin palayo at binalingan ang buletin board kung asaan naka-dikit iyong newspaper.

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon