KORRAZON
Wala akong naalala sa mga nangyari pagkatapos nung pagkikita namin ni Avi mga ilang buwan nang nakalipas.Hindi na siya pumasok sa eskuwela at mas lalo na si Ace.
Napilitan ako noon na dumaan sa bahay nila para ibigay yung mga kulang na activities at projects na kailangan sagutan ni Avi pero wala namang tao. Wala man nga lang ilaw o kung ano.
So I gave up and went home.
I would visit everyday pero wala paring nagbabago. Wala parin sila... Wala parin siya.
Hanggang sa graduation na.
All of us in our friend group was shattered. Graduation didn't even feel like graduation anymore. Imbes na masaya kasi kami pare-pareho kaming nakasimangot at malalim ang iniisip.
That is, except for Emmie and Embrose who's now hugging each other joyfully. "NAKA GRADUATE NA TAYO PUTANG INA!!!" Sigaw ni Emmie na ikinagulat naming lahat.
She doesn't shout or swear that loudly kaya talagang kaming lahat ay mabibigla. Panay lang ang tawa ni Embrose habang pabuhat na niyayakap si Emmie na parang wala ng bukas para sakanilang dalawa.
I instantly felt bitter but I held myself back. I should be happy for the both of them. Lalo na't silang dalawa lang ang maayos ang buhay saaming magkakaibigan. And I have to admit, she deserves every bit of happiness the world is giving her right now.
"At least someone's happy, hindi ba?" Mapait na sinabi ni Cam habang naka-kapit sa diploma niya.
"Cheers to our lonely asses." Biro ko na ikinatawa naman niya.
"Cheers." Aniya habang tumatawa parin.
SIMON FUENTEBELLA
(Private Message)Nasaan ka? Bakit agad ka umalis?:
:May flight ako na hinahabol.
Flight? What the hell? Saan ka naman pupunta?:
:Australia.
:Kailangan ko na patayin yung phone ko mag ta-take off na yung eroplano.Ano bang nangyayari sayo?:
:I need to go. Happy graduation. Congratulations to us.
I swear I'll punch you in the face once I see you.:
:Watch Cam for me.
Napatingin ako kay Cam na nasa tabi ko parin at nakatulala sa hangin. Hindi nagtagal napalingon siya saakin, napansin niya siguro ako na nakatingin sakanya kaya napakunot ang nuo niya.
"Ano?" Tanong niya habang tinatanggal ang mga takong na suot niya.
Bumuntong-hininga ako. "May nangyari ba sainyo ni Simon?" Seryoso ko na tanong sakanya.
She averted her gaze. "Wala naman, bakit mo natanong?" Aniya habang kinukuha ang dalawang pares ng tsinelas niya mula sa bag na suot niya 'saka niya iyon sinuot at binitbit nalang ang takong niya.
"Eh kasi... Parang may iba. May hindi ba kayo sinasabi saakin?"
It took her a while but she finally looked me in the eye. "He left me, as simple as that." Tumawa pa siya na parang may nakakatawa kahit wala naman.
"H-hindi naman ata kaya gawin ni Simon yon sayo." Ani ko dahil kilala ko si Simon at kahit kailan hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng kung paano siya ngumiti kapag kasama niya si Cam.
BINABASA MO ANG
Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔
RomanceWhile traversing a strangely familiar town, a high school student finds herself falling in love with a man who has secrets she has yet to know about. - After Korrazon Luna rebelled against her parents, she was kicked out and forced to move to Florid...