Act 3, Chapter 4

19 4 3
                                    

KORRAZON

"Shit!"

"Simon!" Sighal ni Emmie kay Simon na kanina pa nagmumura habang tinutulungan siya magluto.

Tahimik akong natawa. "Did you cut yourself again?" Tanong ko.

He gave me a 'duh' look before talking. "No—"

"Nahiwa mo yung sarili mo wag ka na magkunwari," Aniyang Emmie bago pa matapos ni Simon ang sasabihin niya. Napabuntong-hininga siya bago pinagpatuloy ang pagluluto niya. "Naalala ko tuloy si Avi." Mahina niyang sabi sa sarili niya pero lahat kami ay narinig 'yon.

I suppressed the pain I felt when I heard his name.

Mapait nalang akong ngumiti.  

"Paano mo naman nasabi yon?"

"Oo nga naman." Gagad naman ni Simon habang nilalagyan ng band-aid yung daliri niya kung saan siya nahiwa.

Ngumiti naman si Emmie bago sumagot. "Naalala mo yung pinagluto ka niya noon ng pasta?" Tanong niya.

Of course I do.

Paborito ko ang pasta at naalala ko pa yung kilig na naramdaman ko nung nalaman ko na para saakin yung pasta na niluto niya.

"Marami siyang paso noon! Tapos lagi niya pa nahihiwa yung sarili niya, parang si Simon lang ngayon. Halos matakpan nga ng band-aid yung kamay niya eh. Hindi mo ba napansin?" Tanong niya.

Napatulala lang ako habang nagsasalita siya. "Wait," Mariin akong napapikit bago siya tinignan ulit. "Kung ganon yung nangyari sakanya bakit hindi niya sinabi saakin?" Nalilito ko na tanong sakanya na ikinatawa naman niya.

"He didn't want you to worry, it's his thing when it comes to you." Kaswal niyang sagot sabay ngiti. 

Imbes na kiligin nainis lang ako— no, scratch that, galit ako.

"Didn't want me to worry? He can't stop me from worrying. I worry for everyone— worrying for others is what makes us human."

"Iyon naman ang ginagawa niya. He worries for you. Kaya nga tinago niya mula sa iyo diba?" 

"If I were in his shoes I would avoid hurting others." Naiinis ko na sabi sa sarili ko. 

Oo na't tinago niya lang mula saakin 'yon dahil ayaw niya akong mag-alala pero mali pa rin 'yon. Dapat pina-alam niya pa rin--

"Hmm?" She leaned closer with a hint of mischief in her eyes. "Bakit parang nag-iba ng topic? Yung napaso at nahiwa na mga kamay ni Avi yung pinaguusapan natin dito ah, ba't sobrang apektado ka?" Tanong niya.

"Hindi ako apektado. Sadyang galit lang ako dahil sa ginawa nung lalaki na 'yon."

"Girl, that's the exact definition of it." Pag-pipigil tawa niyang sinabi pero umiling nalang ako at hindi nalang siya pinansin.

-

"About what you said earlier--"

"Anong sinabi ko?" Tanong ko kay Simon habang naka-upo ako sa swing at siya naman ay nakatayo lang.

Napagdesisyunan kasi namin na lumabas muna at mag ikot-ikot sa paligid ng Florida Blanca. Naisipan ko na maganda naman yung ideya dahil wala rin naman kaming gagawin sa bahay at si Emmie naman ay may lakad pala kasama si Embrose.

"'Sadyang galit lang ako dahil sa ginawa nung lalaki na yon.' Hindi niyo kasi pinaliwanag saakin kung ano bang ginawa talaga ni Avi kaya wala tuloy akong naiintindihan." He said with a pout.

I stilled for a second but got right back up and smiled at him. 

Ayaw ko talagang malaman ni Simon yung tungkol kay Avi. 

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon