Act 3, Chapter 1

33 3 2
                                    

Chapter 1 (Act 3): Finale
"Even if we're apart, I'll still think of you."

KORRAZON

"Abyss!" Sigaw ko para makuha ang atensyon niya.

"Hindi ka ba nahihiya? Paano kung husgahan ka ng mga kaklase natin dahil diyan sa kakasigaw mo?" Reklamo niya na ikina-kunot ng nuo ko.

I rolled my eyes at him. "Ano naman ngayon?" Pagtataray ko.

"Ayaw kong mahusgahan ka."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero onti-onti narin akong napangiti. "Crush moko 'no?" Biro ko.

Inaasahan ko siya na tumawa dahil simple na biro lang naman pero imbes na tumawa kumusot ang mukha niya.

"Ayaw kong mahusgahan ka dahil baka madamay pa ako." Aniya.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. "Panaginip lang yon." Paalala ko sa sarili.  

More like a memory.

Napahawak ako sa kung saan ang puso ko 'saka ako huminga ng malalim. 

"You're okay." I reassured myself.

Tumayo ako mula sa higaan at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nainis ako sa itsura ko sa salamin; magulo at halatang matagal nang hindi nakakaramdam ng maayos na tulog. 

Sinubukan kong ayusin ang mahaba kong buhok pero masyado itong maraming buhol kaya imbes na subukang alisin ang mga iyon ginupit ko nalang.

Wala naman akong kailangan pagandahan kaya ano pa bang point diba?

Nagsuot ako ng malaking jacket sa itaas ng uniform ko 'saka ko tinali ang buhok ko ng pa-ponytail at dali-daling bumaba mula sa kuwarto ko.

"Good morning!" Bati ko kay Emmie habang may malaking ngiti.

Tinignan niya ako ng masama bago inikot ang mga mata niya. "Ang aga-aga nagpapanggap kang masaya." Aniya.

I stilled for a moment before breathing in and giving her a smile once again. "Look, it's been almost a month since his family left kaya ayos na ako! I can smell it, Emmie! I can smell myself moving on from that asshole today!" I enthusiastically said before taking a bite from the egg sandwich Emmie made.

Kumusot ang mukha niya 'saka siya napailing. "Smell? Gutom ka lang siguro. Damihan mo ng kain para hindi ka mabaliw ng tuluyan d'yan." Aniya habang umiiling.

-

"You look very... bright today." Aniyang Simon habang pinapasadahan ako ng tingin.

Hindi ko alam kung compliment ba iyon o ano pero ngumiti nalang ako.

"I know, It's my charm." Biro ko sabay tawa.

Napailing siya at mahina naring natawa. "Buti naman at maayos ka na."

Tumango ako. "Of course!" Ani ko sabay ngiti na parang walang maling nangyari.

Syempre ayos lang ako.

"May tanong sana ako, Korra."

Agad ko siyang binalingan at tinapik sa balikat. "Kailangan mo ng pera?" Biro ko na ikinakusot ng mukha niya.

"Kailan pa ba ako nangailangan ng pera? Nagiging katunog mo na si Cam." Napansin ko ang pag-iba ng tono ng bosses niya sa huling parte.

"Napano na nga pala kayo ni Cam? Last week ko pa kayo hindi nakikitang nag-uusap."

Chase After Me (Chase Trilogy #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon