CHAPTER 12

37 2 0
                                    

Tahimik akong nag-uunat nang maramdaman ko ang pagtitig sa'kin ng mga taong nasa paligid ko. Hindi naman ako assuming pero pakiramdam ko talaga ay sa'kin sila nakatingin.

Andito ako ngayon sa gym kasama sina Danna at Francine. Lumingon ako sa kinaroroonan nila. Kausap ni Francine ang kanyang coach habang si Danna naman ay kanina pa nasa treadmill at may suot na headphones. Nakita ko rin ang biglang pagdukot ni Danna ng kanyang phone mula sa kanyang bulsa. Pinatay niya ang treadmill bago lumabas ng gym.

Nagtaka ako nang makita ang bulungan ng ilan habang tinitignan ako. Ang iba naman ay napapatingin sa akin pagkatapos tingnan ang kanilang mga phone.

Nakapangalumbaba kong pinagmasdan ang kabuuan ng cafe na kinalalagyan namin ngayon. Kakaunti lang ang tao sa cafe dahil may bagong bukas na restaurant sa malapit. Nakaupo kami sa tabi ng malaking bintana ng cafe. Katabi ko sa sofa si Francine habang si Danna naman ang katapat namin.

"Andria, are you hiding something from us? Ilang araw ka na naming hindi nakakausap."

Napatingin ako kay Francine nang basagin niya ang katahimikan gamit ang tanong na 'yon. Kumunot ang noo ko. "Wala akong tinatago. Naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw."

"Are you sure?"

Gulat akong napatingin kay Danna. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Wala ba silang tiwala sa'kin? "Yes, I'm sure," tugon ko sa kanya.

"Saan ka nagpunta kagabi? Bakit hindi kita nahanap?"

Muli kong tinignan si Francine nang tanungin niya ulit ako. Pinagtaasan niya rin ako ng kilay. Ang tono ng boses niya ay magkahalong duda at galit. Imbes na magtaka sa tanong niya ay bigla nalang akong nakaramdam ng inis.

"You texted me na magkita tayo sa labas pero hindi ka naman nagpakita," naiirita kong wika sa kanya. "Ngayon, ikaw ang tatanungin ko. Saan ka nagpunta kagabi? Bakit hindi kita nahanap? Bakit hindi ka nagpakita?" tanong ko sa kanya pabalik bago siya pinagtaasan ng kilay.

Saglit siyang natigilan bago kinagat ang pang-ibaba niyang labi. What's wrong with them? Bakit ang weird ngayon ng mga tao sa paligid ko? Have I done something wrong? Wala naman akong natatandaan, ah?

"O-order lang ako. Sagot ko na ang pagkain niyo," wika ni Danna bago tumayo at pumunta sa counter.

"Pupunta lang ako sa restroom," wika naman ni Francine bago pumunta sa banyo.

Biglang bumukas ang pintuan ng cafe kaya napatingin ako do'n. Napatingin rin si Danna sa pintuan. Kumunot ang noo ko nang makita si Sabina na naglalakad papunta sa pwesto namin, kasama pa ang mga kaibigan niya. Nagtaka ako nang makita ang mataray niyang aura.

Nang tumigil siya sa pwesto namin ay pinag-krus niya ang mga braso niya. "Nandito ka lang pala," mataray niyang wika sa akin bago ngumisi nang sarkastiko.

"Ang lakas din naman ng loob mo na magpakita sa publiko pagkatapos no'ng ginawa mo," wika ng babaeng nasa kanan niya.

Hindi ko alam na may ikukunot pa pala ang noo ko. Teka, ako ba talaga ang tinutukoy niya? Anong ginawa ko? Wala naman akong ginagawang masama, ah?

"Kaya nga, eh. Grabe din ang confidence ng babaeng 'yan. Hindi na nahiya," wika naman ng babaeng nasa kaliwa niya.

Tumayo ako at hinarap sila. "Ako ba ang tinutukoy niyo?"

Tumawa nang nakakaloko si Sabina. "Obvious naman, di'ba?! Ikaw ang tinutukoy nila! Kumalat na nga sa social media't lahat, malakas pa rin ang loob mo?!" Dahil sa lakas ng boses niya ay napatingin na sa'min ang mga tauhan ng cafe.

Social media? Matagal na akong hindi nakakapagbukas ng mga accounts ko. I've been busy lately. I tried to remain calm while looking at Sabina's look that shouts anger. "What are you talking about?"

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon