"Kagabi ko lang nalaman ang nangyari. Hindi man lang natin siya nakita sa huling pagkakataon," sabi ni Hugo.
Katulad ni Hugo ay natulala na rin ako. Nabalitaan namin na agad nang nilibing si Danna pagkatapos ng tatlong araw. Wala man lang nakapunta sa libing niya kasi hindi pumayag ang pamilya Tan na tumanggap ng kahit na sino. Ang sakit isipin na hindi man lang kami nakapunta sa libing niya. Maraming tao ang nagtaka dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Marami ang nagtanong kung bakit agad nang ilibing si Danna. Marami din ang nagalit dahil parang wala daw pakialam ang pamilya Tan kung wala na ang anak nila.
Sinabi namin ni Hugo ang nangyari kay Danna kina Tita, Lola at Lolo. Nagulat din sila sa nangyari.
"Is it okay if I leave first? I'll be back before nightfall," pagpapaalam ko sa kanila.
"Where are you going?" tanong ni Tita.
"I'm just going for a stroll in the city," mahina kong wika. I just want to go somewhere else. Sunod-sunod na ang mga nangyari at gusto kong ilabas ang lahat ng saloobin ko sa ibang lugar. Siguro ito na rin ang tamang oras para gumala at maglibang para hindi ako tuluyang malunod sa mga problema. I would rather just leave temporarily so that my brain can rest from the problems for a little while instead of sticking all my feelings and problems to other people. I don't want to involve other people in what I'm going through so I'll just leave. "Please don't worry about me. I can do it by myself," dagdag ko pa.
Tumingin si Tita kina Lolo at Lola na para bang nagtatanong siya kung papayag sila sa gusto ko.
"It's okay, Alejandra. We know she can leave alone," wika ni Lola.
"Andria, you can drive now so you can leave the house whenever you want. We will just remind you to always be careful," wika naman ni Lolo.
"Stay safe, cousin" pagsingit naman ni Hugo.
I gave them a small smile. "Thank you for trusting me."
Wala akong sariling kotse kaya pinahiram sa'kin ni Hugo ang kanya. I am very grateful because they allowed me to leave alone. That they understand that I need some space too.
Ginamit ko ang GPS navigator ng sasakyan ni Hugo para hindi ako maligaw. I spent my morning by going to some of the best tourist attractions in the city. Nang malapit nang sumapit ang lunchtime ay pumunta ako sa isang fast food restaurant para mag-take out ng pagkain.
Naglalakad palang ako papunta sa entrance ng restaurant nang bigla kong nabangga ang isang babae. Dahil sa nangyari ay nagpatak tuloy 'yong bag na hawak niya. Kukunin ko sana 'yon para sa kanya pero agad na niya 'yong kimuha.
"Oh, I'm sorry! I'm so sorry, Miss! Are you okay?"
Saglit akong natigilan nang makita ang kanyang blonde hair, blue eyes at pale complexion. She's wearing a black mask kaya hindi ko nakita ang kabuuan ng mukha niya. Nagtaka ako nang makita ang paglaki ng mga mata niya nang tingnan ako. Na para bang nakakita ng multo.
I blinked twice. "Are you okay?"
Hindi man lang ako nakatanggap ng sagot sa kanya kasi agad na siyang umalis. Akala niya siguro ay masama ako. Baka natakot siya sa'kin. I sighed. Pagkatapos no'n ay pumasok na ako na restaurant at bumili na ng pagkain.
Nang sumapit ang lunchtime ay pumunta ako sa isa sa mga sikat na garden sa siyudad na matatagpuan sa likuran ng Royal Palace. Ipinark ko ang kotse ni Hugo sa pinakamalapit na public parking space. Habang naglalakad ako sa hardin ay nakikita ko ang magandang tanawin ng palasyo kasama ng mga puno. Nagkita rin ako ng puting fountain at mga peacock na pagala-gala sa paligid. Kakaunti lang ang mga taong naglalakad. Tahimik at malinis rin ang paligid kaya dito ko nalang napiling kumain at magpalipas ng hapon.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1