CHAPTER 34

30 0 0
                                    

"YOU SHOULDN'T BE HERE! I SHOULD'VE STAYED IN SPAIN IF I WERE YOU!"

His voice echoed all over the mansion. Nagulat ako sa sinabi niya. At nasaktan rin ako at the same time. Pinagtaasan niya ako ng boses na para bang wala nang bukas. "Bakit ba, Kuya? Hindi ka ba masaya na makita ulit ako?" dismayado kong tanong sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. "Ano bang nangyayari sa'yo, Kuya?"

"UMALIS KA NA DITO! BUMALIK KA NALANG SA SPAIN!"

"But.. why?"

He closed his eyes. Nagtagal pa bago siya muling nagsalita. "Ayoko nang makita ka..." Biglang humina ang boses niya. "Umalis ka nalang kung ayaw mong mapahamak.."

"Ayokong umalis! Ang tagal kong hinintay 'to, Kuya! Iniwan ko ang buhay ko sa Spain para makabalik dito——"

"Hiniling ko ba sa'yo na bumalik ka dito?" malamig niyang tanong na siyang nagpatigil sa'kin. "Nagmakaawa ba ako sa'yo na isakripisyo mo ang lahat ng meron ka do'n para lang bumalik dito?"

Do'n ko palang naramdaman ang mga luha ko. Dahil sa mga sinabi niyang 'yon. Ang tagal kong hinintay 'to pero parang napunta lang ang lahat sa wala. Akala ko magiging okay na ang lahat kapag bumalik ako pero parang wala na pala akong mababalikan na pamilya dito.

"G-Galit ka ba sa'kin kasi ako ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang mo?"

He froze for a while because of what I asked.

"Na kung hindi sila pumunta sa Spain ay baka buhay pa rin sila? Ako ba ang sinisisi mo kaya ka nagkakaganyan?"

He clenched his jaw. Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. And it broke my heart.

Dali-dali kong pinalis ang mga luha ko nang ma-realize ang dapat kong gawin. "Okay then! If you don't want to communicate with me ever again then fine!"

Tinalikuran ko siya bago pumikit ng mariin. Panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ko at talagang nakakainis. I clenched my fist. Maglalakad na sana ako palabas nang bigla siyang nagsalita.

"Where do you think you're going, Alexandrite?" seryoso niyang tanong.

Natigilan ako nang tawagin niya ako sa pangalang 'yon. Nagtagal pa ng ilang segundo bago ko siya muling hinarap. "None of your business," malamig kong tugon.

He closed his eyes firmly before asking. "Are you planning to stay here?"

"I'm not planning to stay in this house if that's what you want."

"Wala ka ba talagang balak na umalis sa bansang 'to?"

Kumunot ang noo ko. "Why do you even care? I can do whatever I want."

He clenched his jaw again. "Okay, that's it! Manang Minda!"

Dali-daling lumapit si Manang nang tawagin siya ni Kuya. "Bakit, hijo?"

"Samahan niyo siya."

Nanlaki ang mga mata ko. Lalo akong nainis. "What?! But why?! Kayang-kaya kong lumabas dito nang mag-isa lang!"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Don't you get it? Sasamahan ka nila sa bahay mo."

Kumunot ang noo ko. Ano daw? BAHAY KO? AS IN BAHAY KO TALAGA?! PERO WALA PA NGA AKONG NABIBILING BAHAY DITO SA PILIPINAS!

At saan naman nila ako sasamahan?! Do'n sa mansion nina Tita?? Pero hindi pa ako pwede do'n! Pinapa-renovate pa yo'n ni Tita!!

May sinenyas siya kay Manang. Mukhang naintindihan naman siya ni Manang kasi agad na itong dumeretso papunta sa kung saan.

"You still don't get it, do you? O baka walang nakapagsabi sa'yo?" He sighed. "Mom and Dad left you a house. They bought it for you pero hindi nila agad nagawang i-transfer sa pangalan mo ang bahay na yo'n dahil masyado sila naging abala. It was supposed to be given to you for your fake eighteenth birthday but things came up so it ended up in their will and testament."

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon