Hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon pero pakiramdam ko ay nakahiga ako sa isang malambot na pwesto, hindi gaya kanina noong ako'y nasa lupa. Bahagya akong gumalaw at naramdaman ko agad ang comforter na bumabalot sa'kin.
"Miss Heidi, nagkakamalay na po siya."
Kinusot ko ang mga mata ko bago tinignan ang mga tao na papalapit sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nangungunang si Dylan. Umayos ako ng upo sa kama habang siya naman ay lumuhod sa sahig, sa tabi ko.
Hindi ko nagawang magalit nang hawakan niya ang kamay ko. "What happened?" Concern was evident in his eyes, and so as in his voice.
Hinilot ko ang sentido ko. I feel so weak. "Napunta ako sa maze. Hindi ko na maalala 'yong ibang nangyari pagkatapos no'n."
I heard him sigh. "You've been asleep for almost five hours, Andria," aniya bago tinignan ang kamay niyang nakahawak sa akin.
My eyes widened because of surprise. "Limang oras?!"
"Pinag-alala mo kami, hija. Lalo na 'yang boyfriend mo." Gulat akong napalingon kay Tita dahil sa huli niyang sinabi. Boyfriend? Wait——WHAT?!
Agad kong inalis ang kamay ni Dylan sa'kin. "Hindi ko po siya boyfriend, Tita!"
Nagkibit-balikat nalang si Tita bago tinignan si Dylan habang nakapamewang. Muli akong napatingin sa lalaking nakaluhod sa tabi ko. "We're just friends, Tita," sagot niya bago nag-iwas ng tingin sa'min.
"Teka nga lang! Paano ka ba napadpad do'n sa maze, ha, Andria? Sa pagkakaalam ko ay nakatago 'yon, eh," sabi naman ni Hugo. Pinag-krus pa niya ang kaniyang mga braso bago isinandal ang likod sa dingding.
I pouted. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala ang dahilan kung bakit ako napunta do'n. "G-Gusto ko lang namang makita ang t-tree house niyo pero napansin ko na naka-lock 'yon kaya hindi na ako umakyat. May nakita akong pintuan na natatabunan ng mga dahon kaya 'yon nalang ang pinuntahan ko. T-Tapos bumungad naman sa'kin ang maze. I'm sorry for being so nosy."
"It's okay, Andria. The important thing right now is that you're safe," wika ni Tita bago ngumiti sa akin. Aksidente akong napatingin sa wall clock na nasa kanyang likuran.
4:00 PM na.
Nanlaki ang mga mata ko. "Dapat ay nandito ka na sa bahay bago sumapit ang gabi."
Hala!
"Kailangan ko na pong umuwi!" wika ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko.
"Why? Is there something wrong, hija?" tanong ni Tita.
"Mom, kailangan na niyang umuwi. Baka hanapin na siya ng mga magulang niya," sagot naman ni Hugo sa kanyang ina bago ako muling tinignan. "Ihahatid ka namin ni Dylan," dagdag pa niya.
I slightly bit my lower lip before looking at Dylan. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin bago tinignan si Hugo. "Ikaw nalang ang maghatid sa kanya. May pupuntahan pa ako," mahina niyang wika bago nagpakawala ng buntong hininga.
"Oh, okay!"
Muling nagpantay ang tingin namin ni Dylan. Kahit na muli siyang nag-iwas ng tingin sa'kin ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nasasaktan ko talaga siya. Naalala ko tuloy 'yong ginawa ko kanina. Binitawan ko ang kamay niya at sinabi kay Tita na hindi ko siya boyfriend. Pero tama naman 'yon di'ba? Inamin ko kay Tita ang totoo. Siguro nagkamali lang ako sa biglang pagbitiw ng kamay niya. Nag-alala pa rin siya sa'kin kahit na hindi ko siya kinakausap. Nasasaktan ako kapag malungkot siya dahil sa'kin pero anong magagawa ko? Ginagawa ko lang kung ano sa tingin ko ang tama.
I sighed. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niyang malapit sa akin kaya muli kong nakuha ang atensyon niya. Medyo nagulat siya pero agad rin 'yong nawala. I gave him a small smile to lighten up the mood. I heard him sigh. Akala ko ay susuklian na niya ako ng ngiti pero nagkamali ako. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko nang alisin niya ang kamay niya sa akin. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay nasaktan ako dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Ficção AdolescenteA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1