"I'm sorry kung nabigla ka sa pag-amin ko pero gano'n talaga ang nararamdaman ko, eh. Mahal na mahal kita nang higit pa sa kaibigan."
Padabog kong ibinaba ang hair brush ko nang bigla na namang rumehistro sa utak ko ang mga salitang 'yon. Pumikit ako ng mariin. Kanina pa ako nakauwi pero hindi pa rin 'yon nawawala sa isip ko. Huminga ako ng malalim. What's wrong with me? Why can't I forget those things so easily?
I tried to calm myself down before I glanced at the wall clock. 10:00 PM na pala. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa balkonahe ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang kapaligiran sa baba mula sa pangalwang palapag na kinalalagyan ko. Nakita ko sina Mom at Dad na parehong may hawak na baso ng wine at tahimik na nag-uusap sa may hardin. Agad nawala ang atensyon ko sa kanila dahil sa biglang pag-vibrate ng phone na nasa bulsa ko. Pagbukas ko ng phone ko ay bumungad sa'kin ang isang mensahe galing kay Hugo.
•Hugo•
My mom wants to see you tomorrow.
Kumunot ang noo ko. Si Tita? Bakit kaya? I bit my lower lip. Nag-reply ako sa kanya.
•Ako•
Oh? Bakit daw?
Ilang saglit pa bago siya nakapag-reply.
•Hugo•
She wants to know you better.
Saglit akong napaisip. She wants to know me better? Muli akong nag-reply.
•Ako•
Ako lang ba o kasama ko ulit sina Danna at Francine?
•Hugo•
They're both busy. Francine planned to go shopping while Danna's going to spend her day tomorrow with her brother and I texted you in private so, yes.
Saglit akong napaisip. Should I come? Mag-isa lang ako.
•Hugo•
I heard what happened. You'll be safe with us. Don't worry. Our driver will pick you up.
I sighed. Agad akong nag-type.
•Ako•
Okay.
The next day, I wore my green blouse, black skinny jeans, and my pair of green flats. Nakalugay ang buhok ko habang ang itim ko namang sling bag ay nakasabit sa aking balikat. Pagpunta ko sa sala ay sinabi sa'kin ni Manang na maagang pumunta sa trabaho sina Mom at Dad habang si Kuya naman ay tulog pa rin dahil puyat.
"Saan ka ba pupunta, hija?"
I bit my lower lip. "D-Diyan lang sa tabi-tabi, Manang."
Sa totoo lang, malayo ang bahay ni Hugo. Hindi ko masabi sa kay Manang 'yon dahil malaki ang posibilidad na sabihin niya 'yon kay Kuya. Paniguradong pag-uwi ko mamaya ay sasalubungin niya ako ng maraming tanong. Hindi ko rin naman kayang magalit kay Kuya kasi may issue ako kaya niya 'yon ginagawa. Noon pa man ay medyo protective na sa'kin si Kuya. Mas lumala lang talaga 'yon ngayon dahil nga may mga issue ako. At isa pa, lalaki din si Hugo. Kapag nalaman ni Kuya na ako lang ang pupunta sa mansion ng mga Bustamante ay paniguradong mag-iisip 'yon ng kung ano-ano.
"Ibinilin sa'kin ng mga magulang mo na kailangan mo ng bodyguards——"
"Hindi na po kailangan, Manang. Kasama ko naman po si Francine, eh."
I swallowed hard. I lied. I know I lied. I have no choice but to lie. I want to be free just like what I used to be since then. Kaya ko naman ang sarili ko. I'm already turning 18!
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1