Pagkatapos ng pag-uusap namin kaninang umaga ay naging abala na ulit kami. Habang busy sina Kuya sa pag-check sa resort ay nagkulong nalang ako sa kwarto ko.
Sumandal ako sa sofang kinauupuan ko habang hawak ang aking phone. Nag-browse ako sa social media at marami agad akong nakita. Nakita ko ang mga balita patungkol sa'kin at kay Hugo. I read some of the articles about Hugo and his rumored girlfriend. Then, I sighed before getting Dylan's journal from the table.
I'm still thinking if I should continue reading it. Babasahin ko pa ba? Because what's the use of reading it if he's already taken? Masyado 'tong personal. Why did he give this to me so easily? May gusto ba siyang ipakita sa'kin o gusto niya lang 'tong ipamigay dahil sa memories na kasama ako?
Dahil sa labis na kursyosidad ay binuklat ko 'yon at nagpatuloy sa pagbabasa. I spent my whole day with it. Tumigil lang ako dahil sa lunch at dinner. Gabi na nang maisipan kong pumunta sa balkonahe para do'n magpatuloy sa pagbabasa habang hindi pa ako antok pero nang makarating ako do'n ay natigilan ako dahil nakita ko do'n si Dylan. He's got his arms crossed while he's leaning against the railings. I panicked when our eyes met.
He sighed. "I know you're trying to avoid me."
Nagulat ako dahil hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. 'Yon na agad ang sinabi niya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Do you want me to leave?"
Hindi ko siya nasagot. Naalala ko 'yong sinabi ni Kuya Derrick. Lagi siyang babad sa trabaho at ngayon lang siya nakapagpahinga ng ganito.
"Is that a yes?"
"No. You don't have to leave." I looked at him again. "I just want the both of us to be distant. You don't have to leave just to avoid me. We can avoid each other even if we're both staying in the same resort."
Nagtagal ang tingin niya sa hawak ko. He nodded before looking away. "Okay. If that's what you want, then I'll give you space."
At gano'n nga ang nangyari. Nang sumunod na araw ay maaga kaming nagising para mag-breakfast. Sina Kuya lang ang nag-uusap at tahimik lang kami ni Dylan. Kapag may tinatanong lang sila sa'min ay saka kami nagsasalita. Pagkatapos naming kumain ay agad na naming nilabas ang mga dala naming gamit at umalis sa resort. Mula nang araw na 'yon ay palagi na naming iniiwasan ni Dylan ang isa't isa. Hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako. But I have to do this. He's already taken.
"Ilang resorts nalang ba, Kuya?" tanong ko kay Kuya Adrian nang makaalis na kami sa pang-anim na resort. Nasa biyahe na kami.
"Isa nalang. 'Yong pupuntahan natin ngayon. 'Yon nalang at makukumpleto na natin ang journals nina Mom at Dad."
I nodded at him. That's great. Kapag nahanap na namin ang pampitong journal ay babalik na ako sa Spain para hanapin ang journals nina Mama at Papa. Baka sakaling may makita kami do'n na may kinalaman sa gustong iparating nina Mom at Dad.
Tanghali na nang makarating kami sa pampitong resort. We ate lunch at one of the restaurants inside the resort. I wore a floral chiffon dress and a pair of high heels with my hair untied. I looked at Dylan, who's busy talking with Kuya Derrick. I sighed. It's been days since we had a deep conversation. The last one was that night in the third resort.
"By the way, guys. May party nga palang magaganap dito bukas. Pwede kayong pumunta bukas kung gusto niyo," sabi ni Kuya Adrian.
"Anong meron, Kuya?" tanong ko.
"Birthday ng resort bukas."
"Yown naman, yes! Pupunta ako diyan!" si Kuya Derrick. "Sumama ka, Azi!"
"Ayoko."
"Dali na!"
"Ayoko nga, Kuya."
"Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1