"You look great, sweetie," ani Mommy. Nakaupo siya sa harapan ng kama ko habang tinitignan ako sa salamin. She smiled at me.
I'm wearing a dark blue casual dress and a white knee high boots with my hair in a high ponytail. Hindi ko masyadong kinapalan ang makeup ko dahil hindi ko na naman kailangan ng maraming makeup para mas lalo pa magmukhang presentable.
"Thanks, Mom," tugon ko bago siya hinarap.
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Hinaplos niya ang buhok ko bago ngumiti. "Bumaba na tayo. Your dad and brother are waiting for us," aniya.
I smiled at her back. "Susunod po ako, Mom."
"Okay. We'll wait for you," tugon niya bago lumabas at sinara ang pinto. Tinignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin sa pangalawang pagkakataon.
Pupunta kami ngayon sa mansion ng mga Villafuerte dahil inimbitahan nila kami para sa isang dinner. It's been almost three months since their youngest son arrived. Ngayon lang ulit kami naimbitahan sa mansion nila dahil ngayon lang dumating sina Tito at Tita galing ibang bansa. Naging busy rin sila gaya nina Mom at Dad.
Pababa palang ng hagdanan ay nakaabang na sa'kin sina Mom, Dad at Kuya mula sa sala, halatang ako nalang ang hinihintay. Pagkababa ko ay sumalubong sa'kin ang nakangising mukha ni Kuya.
Niyakap naman ako ni Dad. "Our princess is already a grown-up!" aniya sabay pisil sa pisngi ko. I pouted.
"Alonzo!" saway ni Mom. "You'll ruin her makeup," aniya pa.
Tinawanan siya ni Dad. "I'm just happy, Amanda," paliwanag ni Dad. Inalok niya ang braso kay Mom. "Let's go?" tanong niya.
Ikinawit naman ni Mom ang braso niya rito. Nilingon niya kami ni Kuya. "Let's go na."
Nakahiwalay kami ni Kuya kina Mom at Dad. Nakasakay sila sa sasakyan na nasa unahan namin habang kami naman ni Kuya ay narito sa pangalawa.
Nilingon ko ang driver namin na seryoso at diretso ang tingin sa kalsada. Sunod ko namang tinignan si Kuya. Kumunot ang noo ko nang makita ang malungkot niyang mukha na nakamulaga sa kanyang phone. Naabutan ko ang tingin niya sa'kin.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Iyon na ang naging paraan ko para tanungin siya. Umiling siya kaya mas lalo akong nagtaka. Ilang araw na siyang matamlay.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa narating na namin ang bahay nina Kuya Derrick. Sa front porch palang ay sumalubong na sa'min ang buong pamilya nila.
"Welcome, everybody!!!" masayang bati sa'min ni Tita. Nag-beso sila ni Mom at nagyakapan naman kami ni Kuya Derrick. Nagkamayan naman sina Dad at Tito, pati si Dylan.
"Hi, Kuya Derrick!!" nakangiti kong bati sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin bago tinapik ang aking balikat. "Kamusta?" tanong niya.
"I'm fine," masaya kong tugon. Kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi.
"Hi, darling!" masiglang bati sa'kin ni Tita bago ako niyakap. "I missed you so much!" I giggled. Bumaling siya kay Dylan na ngayon ay nakikinig sa usapan nina Kuya.
"Azi!! Come here," bigla niya itong tinawag kaya bigla akong nahiya. I bit my lower lip.
Sa isang iglap ay nakatayo na siya sa tabi ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. His black dress shirt and grey jeans with his pair of black sneakers made him look serious.
"Have you met this pretty young lady already?" tanong ni Tita. Pinagtaasan niya ng kilay ang anak.
"Yeah, I did," tugon ni Dylan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Ficção AdolescenteA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1