CHAPTER 11

38 3 0
                                    

Dala-dala ko ang tasa na pinag-inuman ko papuntang kusina nang bigla akong natigilan. Humigpit ang hawak ko sa dala ko. I pursed my lips.

"Grabe! Hindi pa rin ako maka-move on do'n sa lalaking pumunta dito noong isang araw!"

"Kaya nga, eh! Ang gwapo! Grabe! Siguro 'yon ang totoong boyfriend ni Ma'am Alexandria! Baka nag-away sila kaya dito na muna tumira si Ma'am! Hindi ba nang umuwi siya ay mainit ang ulo niya? Baka 'yon ang dahilan!"

"Baka nga!"

Bumilis ang paghinga ko. Pumikit ako ng mariin, pilit na pinapakalma ang sarili. May bigla na naman akong naalala.

Pagdating namin ay marami nang bisita. Bumati sa amin ang ilan pero ang tanging nagawa ko na lang ay ang ngumiti sa kanila. Nilingon ko si Kuya nang bumulong siya sa'kin.

"Batiin na muna natin si Dylan bago natin hanapin sina Mom at Dad," aniya bago ako inakbayan. Tumango nalang ako sa kanya. Marami nang lumapit sa'min kaya naging abala si Kuya. Kuya is good at dealing with other people so he has many friends wherever he goes. Habang may kausap siya ay ginala ko na ang tingin ko sa paligid.

Sinubukan kong hanapin sina Danna at Francine pero hindi ko sila nakita. Natigilan ako nang makita si Dylan na may kausap na babae. Nakatalikod siya sa'kin pero kilala ko siya. That girl is wearing a one shoulder black dress. Bumagay sa kanya ang suot niya dahil sa maputi niyang kutis. I think they're both laughing about something. They look so good together. I sighed. There's a rumor that Dylan is courting her but he didn't even gave a word about it. Minsan na siyang kinulit nina Francine pero hindi ako nakisabay sa trip nila. Personal life niya 'yon. Kung ayaw niyang sabihin ang patungkol do'n, eh di huwag.

Nilingon ko si Kuya. Kausap pa rin niya ang mga kaibigan niya. Bumulong ako sa kanya. "Dylan is busy. Mamaya nalang. I'll just go find our parents," wika ko. Tumango nalang siya kaya umalis na ako do'n.

Nang makita ko ang table nina Mom at Dad ay agad ko na silang pinuntahan. Kasama nila sina Tito at Tita. Napatingin sila sa'kin nang makalapit ako.

"Hi, darling!" masayang bati sa'kin ni Tita bago lumapit at nakipagbeso. Ngumiti naman sa'kin si Tito. "Nagkita na ba kayo ni Azi?" tanong pa ni Tita.

I bit my lower lip. "May kausap po siya, eh. Mamaya ko nalang po siya lalapitan——"

Natigilan ako nang makita ang biglang pagbago ng expression ni Tita. "Azi!" malamig niyang tawag sa anak. Kaharap ko pa rin si Tita pero ang paningin niya ay nasa iba na.

Natahimik at napatingin ang mga bisita na malapit sa'min dahil sa tono ng pagtawag niya kay Dylan. I swallowed hard. Mukhang alam ko na kung bakit biglang nagbago ang mood ni Tita. Dahan-dahan akong humarap sa tinitignan niya. Suminghap ako. I knew it! May kasama pa rin siya.

"Hi, Tita!" masayang bati ni Sabina. Lumapit siya para makipagbeso pero biglang umiwas si Tita. Bahagya siyang nagulat pero agad din 'yong nawala.

Tumikhim si Dylan kaya napatingin kami sa kanya. "Mama..."

"Hindi ko alam na nag-imbita ka pala ng isang hindi inaasahang tao," wika ni tita bago pinagtaasan ng kilay ang kasama ni Dylan. Sabina rolled her eyes.

Lumingon sa'kin si Tita. "Mamaya nalang ulit tayo mag-usap, hija. I'll just talk to my son," aniya.

"Sige po," tugon ko. Tinapik niya ang balikat ko bago naglakad papalayo kasama si Dylan. Naiwan si Sabina kaya biglang umugong ang mga bulungan.

"Bakit nga ba siya nandito?"

"Girlfriend ata siya ni Dylan, eh!"

"Huh? Eh, di'ba, hindi pwede?"

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon