CHAPTER 37

42 0 0
                                    

"Grabe talaga! Sikat ka pa rin, no?" wika ni Kuya Derrick nang makarating kami sa mansion. Hingal na hingal kami dahil kinailangan naming tumakbo para makatakas.

"Anong nangyari sa inyo?" takang tanong sa'min ni Kuya Adrian nang makapasok kami sa sala. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin. Kumunot ang noo niya. "What happened to your arms? May pusa bang kumalmot sa'yo?"

Napunta ang tingin ko sa mga braso ko. Nagulat ako nang magkita ng mga sugat dun. Halatang kinalmot. Hindi ko 'yun napansin kanina. "Nakalmot lang ng mga tao, Kuya."

"Pinagkaguluhan kasi siya do'n kanina," si Kuya Derrick.

Kuya Adrian sighed. "Bibigyan kita ng gamot para diyan."

Mga kalmot lang ang natamo ko pero namumula na agad ang mga braso ko. Maybe because those people added too much pressure on my arms? Pero hindi naman siguro nila sinadya na saktan ako. When I was still in the industry, I used to disguise everytime I go out alone during my day-off. Minsan ay nawawala ang disguise ko kaya nakikilala ako ng mga tao. Pero hindi naman ako dinumog ng mga tao gaya ng nangyari kanina. Hindi naman ganun ka-tindi. Masyado lang sigurong excited 'yong mga tao kanina.

Nang bigyan ako ni Kuya ng gamot ay tinulungan ako ng isang kasambahay sa paglalagay no'n sa mga braso ko. Dahil sa nangyari at sa sobrang bilis ng pagkalat ng balita na nandito ako sa resort ay nag-decide kami na huwag nalang gawin ang plano namin na mag-surf mamaya. Nanatili nalang kami sa mansion at nagpalit na rin ako ng long sleeve para matakpan ang mga braso ko. We spent the night doing the same thing we did last night and the night before that. Nang sumapit ang umaga ay nilabas na namin ang mga dala naming bagahe bago nagpaalam sa mga staff ng resort at umalis.

Tanghali na nang makarating kami sa pangalawang resort. Gaya sa unang resort na pinuntahan namin ay naging mainit rin ang pagtanggap sa'min ng mga staff ng pangalawang resort. Bumungad sa'min ang mga staff do'n na may handa nang mga pagkain para sa'min. Sinabitan pa nila kami ng mga flower necklace sa leeg.

Pagkatapos naming mag-lunch ay nag-stay nalang muna ako sa mansion para makapagpahinga habang busy sina Kuya sa pakikipag-usap sa mga staff. Imbes na lumabas ay ginugol ko nalang ang oras ko sa pagbabasa ng journal ni Dylan sa loob ng kwarto. Well, I'm not yet in the mood to go out.

I love to read. And as I read his journal for hours, I've learned a lot more about him and his life. I got to know the friends he made in US when he was still there. Also his struggles during his early years. It's kinda funny how I got to feel different emotions while reading his story. It's like I felt what he felt throughout his journey. It's like my emotions really went with the flow. Para tuloy akong nagbabasa ng nobela.

Nang mapagod ako sa pagbabasa ay kinusot ko ang mga mata ko. "Ano bang oras na?" bulong ko sa sarili. Tamad kong tinignan ang wall clock.

9:00 PM

Nanlaki ang mga mata ko. "WHAT?!" Sa sobrang lakas ng boses ko ay umalingawngaw na sa buong kwarto ang sigaw ko. I was so focused on reading Dylan's journal that I didn't even noticed the time!

"Oh my gosh!" Agad akong bumangon sa kama at inayos ang sarili. "Bakit hindi ako tinawag nina Kuya?"

Lumabas ako ng kwarto at hinanap sila pero hindi ko sila nakita. Nagtanong ako sa isang kasambahay. "Wala pa ba sina Kuya?"

"Hindi pa po sila dumadating, Ma'am."

Kumunot ang noo ko. Gabi na, ah? Ayos kaya sila? I sighed. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko. Binuksan ko 'yon at hinanap sa contacts ang number nila. "Sige, salamat."

"Ma'am, kanina pa po nakahanda ang dinner. Kumatok po ako sa pintuan ng kwarto niyo pero hindi po kayo sumasagot."

Natigilan ako sa pag-browse sa contacts ng phone ko dahil sa sinabi niya. I blinked twice before biting my lower lip. Busy kasi ako sa pagbabasa, eh. "Gano'n ba? Pasensya ka na kung hindi kita narinig."

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon