SPECIAL CHAPTER

91 3 0
                                    

"Pupunta ka na sa Spain, Andria?" tanong ni Kuya Adrian.

Nasa biyahe na kami pabalik sa siyudad. Katabi ko si Dylan habang magkatabi naman sina Kuya Adrian at Kuya Derrick sa harapan.

"Yes, Kuya. But the day after tomorrow pa kami aalis."

"Kami? Sino kasama mo?" si Kuya Derrick.

"Si Dylan."

Nanlaki ang mga mata ni Kuya Derrick. "Eh?! 'Di nga?!"

"Bakit, Kuya? May problema ba?" tanong ni Dylan.

Kuya Derrick raised an eyebrow at him. "Nakapagpaalam ka na?"

Ngumisi si Dylan sa kanya. "Opo. At pinayagan ako."

"Ah, okay."

"I hope I can apologize to your Aunt," Kuya Adrian said. "It's been years since we last saw each other and that first and last encounter wasn't that nice. Ang laki ng kasalanang ginawa ng pamilya ko sa inyo."

I gave him a small smile. "Huwag mo nang isipin ang mga nangyari, Kuya. It's all in the past now and besides, Tita already forgave them years ago. Don't worry about it."

Sinuklian nalang niya ako ng ngiti.

Pagdating namin sa mansion ay agad akong dumeretso sa dati kong kwarto. Binigay sa'kin ni Kuya Adrian ang susi kaya nabuksan ko 'yon. Pagpasok ko palang ay napangiti na ako. Everything in that room brings back a lot of memories back when I was still young. Walang nagbago sa kwarto ko pero halatang palagi 'yong pinapalinis ni Kuya. Every spot is so clean. Every spot and every object in that room reminds me of Mom, Dad and Kuya, and also the ones who used to be my best friends.

"My friends want to meet you in-person."

Naglalakad na kami ni Dylan sa garden nang banggitin niya 'yon sa'kin. "When?"

"Bukas."

I suddenly remembered something. I bit my lower lip. "I... overheard you accidentally before. Paalis palang ko nang banggitin mo 'yong pangalan ng kausap mo. Who's Nianne?"

"Kaibigan at katrabaho ko siya."

I didn't help but be more curious about her. "Single ba siya?"

"Hindi. May boyfriend siyang taga-Navy."

I blinked twice. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "Oh, okay."

He smiled at me. "Why? You thought she's something else?"

I bit my lower lip. Aminado ako na minsan kong naisip 'yon noon. I was kinda curious when I heard her name pero hindi ko na masyadong inisip 'yon noon kasi hindi pa naman kami masyadong close nang mga panahong 'yon. "Sort of. Dati lang naman 'yon."

"She's just a friend and co-worker. That's all." He held my hand and placed it on his chest. "You already got my heart."

I smiled at him. "Sige, pupunta ako bukas."

"Gusto ka na ring makita nina Mama at Papa."

Saglit akong natigilan. It's been years since we last saw each other. "Kailan?"

"Mamayang dinnertime."

Parang nakaramdam ako ng kaba. Nasabi na minsan ni Kuya Derrick na matagal na akong welcome sa pamilya nila pero hindi ko pa rin naiwasang isipin kung nakaramdam ba sila ng galit sa'kin dahil sa mga ginawa ko kay Dylan noon. They saw how I got to hurt their son. They saw how I pushed him away.

"Nervous?" tanong sa'kin ni Dylan. I didn't answer. He smiled. "Huwag kang kabahan. Sina Mama at Papa lang 'yon. Miss na miss ka na nga nila, eh."

"Hindi sila galit sa'kin?"

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon