"Magandang araw po sa inyo, Sir at Ma'am!" masayang bati sa'min ng guwardiya ng pinasukan naming bilihan. Sinuklian ko nalang siya ng ngiti, nakasuot na ulit ng shades.
Tumulak ng cart si Dylan para may mapaglagyan kami ng mga bibilhin namin. May mga napapatingin sa'min pero hindi nalang namin sila pinansin. Sabay kaming naglakad ni Dylan papunta sa chips section. Nang makakuha na ako ng mga chips na gusto ko ay tinignan ko si Dylan na abala pa rin sa pagkuha ng mga chips.
"I'll just get some drinks," sabi ko sa kanya.
He nodded at me so I left him there. Pumunta ako sa drinks section at nakita na wala namang tao do'n. Abala ako sa pagpili ng drinks nang may biglang lumapit sa'kin.
"Hi, Miss. Can I ask your name?" tanong sa'kin ng isang lalaki.
I sighed and didn't even bother to look at him. "No."
The man chuckled. "Ang sungit mo naman."
Hindi ko pa rin siya tinignan dahil abala ako sa paghahanap ng drinks na gusto ko. "I'm already taken," sabi ko sa lalaki nang makuha ang napili kong drinks. Hindi ko na siya pinansin at hindi ko na rin hinintay ang sagot niya. Iniwan ko na siya do'n at bumalik na sa chips section para balikan si Dylan.
Pero nang makabalik ako do'n ay nakita ko naman siya na kinakausap ng isang babae.
"Is it okay if I ask for your opinion? I can't choose between these two. Which do you prefer better?" maarteng sabi ng babae habang may hawak na dalawang chips.
Dylan glanced at her. "I don't know. Bahala ka," walang emosyon niyang tugon sa babae bago muling ibinalik ang atensyon sa pagpili ng chips.
Hindi muna ako lumapit kay Dylan dahil hinihintay ko pa silang matapos sa pag-uusap nila. Inabala ko nalang muna ang sarili ko sa pagtingin sa mga chips para hindi ako mainip.
"Oh, okay." The girl nodded. "Are you single?"
"No. I'm already taken." Naramdaman ko ang tingin sa'kin ni Dylan pero hindi ko siya tinignan.
Naramdaman ko rin ang tingin sa'kin ng babae pero hindi ko rin siya tinignan. "O-Oh, okay. I'm so sorry for disturbing you." Agad na siyang umalis nang sabihin 'yon.
Nang tuluyan nang nakaalis 'yong babae ay saka palang ako lumapit kay Dylan. Nilagay ko sa cart 'yong mga inumin na kinuha ko. "Are you done?" tanong ko sa kanya. I blinked twice when I saw the chips he took. "Ang dami."
"Sabi ni Kuya damihan ko daw."
I nodded at him. "Okay. May kailangan ka pa ba?"
Nilagay niya sa cart ang chips na hawak niya. "Wala na. Ikaw?"
"Wala na rin," sagot ko.
He nodded at me before pushing the cart. Sumunod ako sa kanya papunta sa cashier. Medyo mahaba ang pila kaya naghintay muna kami. Hanggang ngayon ay may mga napapatingin pa rin sa'min. I sighed heavily.
"Ako na ang magbabayad," sabi ko kay Dylan.
"Ako na."
"Ako ang pumili ng mga ingredients kanina pero ikaw naman ang nagbayad ng lahat ng 'yon."
"Hayaan mo na 'yon."
"Please let me pay."
"No need."
I crossed my arms. Parang ayaw niya talagang magpatalo. "What can I do to pay you back? Ayaw mo namang tumanggap ng pera."
He smiled at me before he slightly pinched my cheeks. "Ayos na ako kapag nakaluto ka lang ng adobo."
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1