CHAPTER 28

32 0 0
                                    

"Tita, bakit po hindi niyo sinabi sa'kin na matagal na po pala kayong hiwalay ni Tito?"

Pagkauwi namin ni Hugo ay agad kong hinanap si Tita para tanungin siya patungkol sa kanila ni Tito. Naabutan ko siya sa opisina niya, abala sa pagdidisenyo ng mga damit.

Saglit siyang natigilan sa kanyang ginagawa dahil sa narinig mula sa akin. "Oh. So now you know it."

I suddenly remembered the time when I met her in the Philippines with my friends. Do'n sa mansion.

"You kinda look familiar to my sight, young lady. Do I know you?" taka niyang tanong sa akin.

"Y-You kinda look familiar to me too, Mrs. Bustamante," tugon ko bago kinagat ang pang-ibaba kong labi.

Biglang tumikhim si Hugo kaya napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang mag-iwas siya ng tingin sa'kin. Muli kong tinignan ang mommy niya. I saw her swallowed hard.

"Just call me Tita Heidi, hija," aniya bago hinaplos ang pisngi ko. I smiled at her when she smiled at me too.

I called her Mrs. Bustamante without knowing that she's no longer married! Oh my world! Wala akong kaalam-alam. Bakit hindi ko agad na-realize 'yon?

"I'm so sorry, Mom."

Hindi ko namalayang sumunod pala sa'kin si Hugo.

"It's okay, anak. But please leave. I want to talk to your cousin alone."

Pagkaalis ni Hugo ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa buong opisina. Pumunta si Tita sa mahabang sofa at doon umupo. Sinenyasan niya ako na gawin din 'yon kaya sumunod ako. Siya na rin mismo ang bumasag sa katahimikan.

"I'm sorry if I didn't tell you. Alam kong may karapatan ka na malaman 'yon dahil parte ka ng pamilyang ito."

"Pero bakit hindi niyo po sinabi sa'kin? Don't you trust me?"

"I trust you, mi amor. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa'yo 'to kasi alam kong nabigla ka sa lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung handa ka na ba sa lahat ng posible mong malaman."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi sinabi ni Tita dati sa Pilipinas na hiwalay na sila ni Tito. Na single mother siya. Kaya paniguradong hindi pa rin alam nina Danna at Francine na hiwalay na ang mga magulang ni Hugo. Alam kaya ni Dylan ang patungkol do'n? Tutal eh, siya naman itong nag-introduce sa'min kay Hugo?

"Yes, Rodrigo and I are no longer married and we separate ways years ago."

"Pero bakit hindi niyo sinabi sa'min ang patungkol do'n noong nasa Pilipinas pa po tayo? Noong nasa mansion po tayo kasama sina Danna, Dylan at Francine?"

"It's not easy for me to trust others. Trust is a precious gift, mi amor. And I only give my trust to those who deserve it."

Nahihirapan siyang magtiwala. Kahit papaano ay naiintindihan ko siya pagdating sa bagay na 'yon pero para sa akin ay masakit isipin na walang kaalam-alam ang mga kaibigan namin ni Hugo.

"Hindi niyo man lang po ba inisip ang kapakanan ni Hugo noong naisipan niyong maghiwalay ni Tito?"

"Of course I did, because I'm her mother. And his father did the same thing. Rodrigo and I tried to make it work but we're no longer happy. We're both busy. And we don't have enough time for our son. We always fight every night and day because of our career and our responsibilities to our family. I wanted to end my marriage with him but I don't want to make my son suffer. I don't know if he can afford to live in a broken family. We tried to act in front of Hugo like we're okay, but he noticed it. He knew that it's no longer healthy. Hugo himself told us that his father and I can end our marriage if we were no longer happy."

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon