CHAPTER 38

33 0 0
                                    

Dahil sa sinabi ni Kuya ay dali-dali akong naglakad pabalik sa mansion. Nakasabay ko si Dylan sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Bitbit niya ang iPad niya habang ako naman ay bitbit ang journal niya.

He glanced at me. "What?"

"Tinawagan ka din?"

"Oo."

Hindi na ako nagsalita pa kaya natahimik na rin siya. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mansion. Naabutan namin sina Kuya sa sala.

"Where did you find it?" tanong ko kay Kuya Adrian. Umupo ako sa single sofa habang si Dylan naman ay nanatiling nakatayo habang nakapamulsa. Nakaupo sina Kuya sa mahabang sofa.

"Sa kwarto ko. Doon sa cabinet." Tumayo si Kuya Adrian at binigay niya sa'kin ang journal. Tiningnan ko 'yon at nakita na Monteverdi rin ang nakasulat sa cover nito.

"Tinignan niyo na ba ang loob?" tanong ko ulit.

"Oo. It's almost the same with the first part. Words with pictures. Pero hindi namin nakita 'yong kabiyak ng punit na picture na nakita natin sa unang journal. The pictures in that journal were taken here."

"The pictures in the first journal were taken in the first resort. So it's not that surprising anymore that the pictures in that second journal were taken here, in our second destination," si Kuya Derrick.

"It's like their memories in each resorts are recorded in every journal hidden in the same resorts your Dad wanted you to visit," si Dylan.

Kuya Adrian snapped his fingers. "Exactly."

"So expected na natin na ang pangatlong journal ay naglalaman ng memories nila sa pangatlong resort? Gano'n din sa mga susunod?" tanong ko.

"Oo. Kasi possible 'yon."

"So kelan tayo aalis?"

"Bukas ng hapon. May mga kailangan pa akong ayusin dito," sagot ni Kuya Adrian bago hinilot ang kanyang sentido.

"You look so stressed, Kuya. Do you need some help? Pwede naman ako," sabi ko sa kanya. Puyat rin siya kagabi at abala pa rin siya ngayon. I'm sure he's really tired.

He smiled at me. "Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko naman."

Napatingin ako kay Dylan nang maramdaman ang tingin niya sa'kin. "Uh, sasamahan mo ba kami kaya ka nandito?" I asked. It's obvious that he's busy with his work but he's still here with us. I'm still surprised that he's here kahit na kagabi pa siya dumating.

He bit his lower lip before looking away. "Oo."

Parang nakaramdam ako ng konting saya nang sabihin niya 'yon. "Talaga? Hindi ka busy? Ayos lang sa'yo?"

"Naku, Andria! Kung alam mo lang! Masyado 'yang babad sa trabaho!" nakangising wika ni Kuya Derrick. "Hindi ko nga matandaan kung kailan 'yan huling nag-leave! Parang ngayon pa nga lang 'yan nakapagpahinga ng ganito maliban sa pagtulog."

I blinked twice. "Oh? Talaga?"

"Oo, kapatid! Maniwala ka sa'kin!"

"Be quiet, Kuya," seryosong wika ni Dylan. Parang ayaw niya atang pag-usapan 'yon.

"Bakit? Totoo naman, ah? Kahit nga noong nag-aaral ka pa ay wala kang ibang ginawa kundi mag-aral nang mag-aral lalo na noong umalis si Andria," dagdag pa ni Kuya Derrick. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang sinabi.

"Ang ingay mo, Derrick!" Nainis na rin si Kuya Adrian sa kanya.

I looked at Dylan but he avoided my gaze and walked away. Hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya palabas at naabutan siya sa garden. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, malayo sa kanya.

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon