Carrying a tray of pancakes, bacon, and milk, I walked slowly towards the library. Ayokong magmadali dahil baka matapon ang dala ko. Habang naglalakad ay naglalakbay rin ang isip ko. Ano kayang klase ng school work ang ginagawa niya ngayon? Hindi siya nagsasayang ng oras kahit na pwede niya naman 'yong tapusin bukas.
Gaya ng inasahan ko ay bumungad sa akin ang malawak at tahimik na library. Dumeretso ako sa sentro ng silid aklatan kung saan matatagpuan ang mga lamesa.
Dun sa pinakamalaking lamesa ko nakita ang mga patong-patong niyang mga libro at notebook. Nagkalat ang mga ballpen at sticky notes sa may tabi ng nakabukas na laptop. Dahan-dahan kong ipinatong ang tray sa may tabi ng mga libro bago niligpit ang mga kalat. Inayos ko ang patas ng mga libro at notebook niya.
In-adjust ko ang laptop niya para dun itabi ang pagkain niya. Tinignan ko ang ilan sa mga nagkalat niyang sticky notes. Bigla akong naduling dahil lahat 'yon ay punong-puno ng mga equation.
There's no sign of him. Malaki ang library nila at may second floor pa kaya matatagalan pa bago ko siya mahanap. Iniwanan ko ang lamesa niya para lumibot sa buong library.
Nasa second floor na ako nang bigla akong nakakita ng isang historical book. Nakangiti ako habang binubuklat ang mga pahina ng libro. Sumandal ako sa dingding na malapit sa pinagkuhanan ko no'n at tahimik na nagbasa. Ilang saglit pa ang lumipas nang ibalik ko ang libro sa bookshelf.
I suddenly felt the gaze of a pair of eyes from somewhere. I was in the corner of the library when I noticed that. The sun did not reflect where I was so, I felt scared. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Maybe I'm just thinking too much? That's not good, Andria.
"Hey, princess." I was suddenly shocked to hear his voice that sent chills down my spine. I swallowed hard.
Dylan is wearing his navy blue T-shirt and his black shorts with his pair of grey flip flops. He leaned his back towards the wall while his arms are crossed. His innocent stare made me dumbstruck. Kumunot ang kanyang noo.
"Why are you here?" he asked before he ran his hand through his hair.
I did not speak. I remained quiet. I was even surprised to see his innocent smile. He immediately walked towards me. I don't know but I suddenly felt my heart beating fast. Wait, why am I nervous?
Inakbayan niya ako so I pouted. "Why so speechless?" tanong pa niya. "Hmm?" I remained silent when he raised his eyebrow at me. He chuckled when I didn't bother to give him an answer.
"What? You're studying for the monthly examination??" I unconsciously said. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya bago kumurap ng dalawang beses.
Uminom muna siya ng gatas bago sumagot. "Yeah, why? Is there something wrong?"
"Bakit ang aga mo mag-review? Hindi pa naman katapusan ng buwan, ah? At bakit ang sabi ni Manang ay dito ka na daw natulog?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Naisip ko na baka nagpupuyat siya pero hindi ko na iyon tinanong kasi I think it's too personal. So what kung gusto niyang magpuyat, diba? And one more thing, I'm just a friend. I'm not his girlfriend that can ask too much. As a friend, I know that he has the right to have some privacy.
"I want to review immediately. I slept here because I also did my assignments," tugon niya bago hiniwa ang pancake gamit ang fork at knife. Tinusok niya 'yon gamit ang fork bago inalok sa akin. "Want some?" tanong pa niya.
Agad akong umiling. "Oh! No, thanks." tugon ko bago ngumiti. He nodded and returned it back on the plate. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka ba kakain?" taka kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Novela JuvenilA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1