"Andria, where do you want to travel?" tanong sa'kin ni Mommy habang kumakain kami ng breakfast. Ilang araw na akong hindi lumalabas dahil sa isyu na kinasasangkutan ko. I already got a lot of plans inside my head before everything of this happened pero hindi natuloy ang lahat ng 'yon. Hay nako. I was planning to do something new.
"Kahit saan po," sagot ko nang hindi siya tinitignan. Umiinom ako ng tubig nang biglang nagsalita si Kuya.
"I can take her to the forest with me, Mom," aniya bago uminom ng tubig.
Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tiningnan ko si Mom nang muli siyang nagsalita.
"Hindi kita papayagan, Adriel! Madadapuan lang siya ng mga dumi at insekto do'n!" mahigpit na pagtutol niya rito.
"Boring kapag wala siyang nasusubukan na bago," wika ni Kuya.
Pumagitna si Dad sa kanila. "Anak, huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Your mom is right. Baka mapahamak lang si Andria. Alam mo namang hindi hinahayaan ng mommy mo na madapuan siya ng dumi at insekto."
As they were debating, I suddenly felt my phone vibrate from my pocket. Hindi ko nalang 'yon ginalaw dahil baka magalit sila kapag nakita 'yon. Bawal kasi ang gadgets sa hapag kainan.
"Mom, Dad, Andria is no longer a baby. She's already seventeen. She can decide on her own. I'm just suggesting what I know." Tumingin sa akin si Kuya.
"Saka nalang ako sasama sa'yo, Kuya," tugon ko bago bumaling kay Mommy. "Ayos lang po sa'kin kung dito nalang po ako sa bahay for the rest of vacation time."
"Are you sure, sweetie?" nag-aalangan pang sabi ni Mommy.
Tumango nalang ako sa kanya. Ayokong lumabas ng bahay basta-basta, lalo na't marami akong bashers sa labas.
"We are thinking of you to stay and study in abroad. What's your opinion about that?" tanong naman ni Dad.
Nagulat ako sa sinabi niya. Me? Stay and study? In abroad? Why? Pa'no ang mga kaibigan ko?
"I don't think that's a great idea, Dad. Marami akong maiiwanan dito. This country is my comfort zone. Ayoko nang umalis dito," depensa ko.
He sighed. "I know, Andria. We know. Iniisip lang namin ang kinabukasan mo. We want to protect you from your possible downfall. US is the safest place we know for you."
Kumunot ang noo ko dahil sa mga narinig. My possible downfall? Wala ba silang tiwala na maaayos ko ang problema ko?
"Dad, I can't see my future self living in a foreign land. Kuntento na 'ko sa lahat ng meron ako."
Nilingon ko si Kuya dahil hindi na siya sumasawsaw. Kailangan ko ng kakampi. I pouted. Tahimik lang siyang kumakain. Hindi man lang namamansin, parang walang naririnig.
"Sabihan mo nalang kami kapag nagbago isip mo," sabi pa ni Dad.
Pagkatapos naming mag-breakfast ay agad nang umalis ang mga magulang namin. Umalis din si Kuya Adrian kasama si Kuya Derrick. Ako lang ang naiwan kaya pumunta nalang ako sa kusina at sinamahan si Manang.
"Ayos na ba ang kamay mo, hija?" tanong niya bago tinapon ang apron sa basket.
Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na may sugat. "Okay na po ang kamay ko, Manang. Salamat po."
Nakalimutan ko na may sugat nga pala ako. Hindi ko alam kung paano nakayanan ng kamay ko na sabunutan si Sabina sa cafe days ago. Siguro nadala na ako ng inis kaya hindi ko na naramdaman ang sakit.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. Pagbukas ko nito ay bumungad sa'kin ang messages galing sa GC namin nina Danna, Dylan, Hugo, at Francine.
Hugo: Hi, guys!
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Fiksi RemajaA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1