"Ikaw ang babaeng mahal ko..."
Those words echoed in my mind over and over again like there's no tomorrow. Suminghap ako. All my life, ngayon lang may umamin sa'kin verbally. Lahat ng nagpaparamdam sa'kin ay hanggang love letters lang ang kayang gawin. Siya ang kauna-unahang lalaki na umamin sa'kin sa personal. I looked at him carefully. The sincerity in his voice is also shown in his face. I bit my lower lip. I was that numb girl?! Oh, great! Just! Ugh! I'm totally out of words to say! Walang salita akong tumakbo papasok ng bahay.
"Elle!"
Hindi ko na siya pinansin. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin, dahilan kung bakit ko binilisan ang pagtakbo. Ang katahimikan ng buong sala ay muling nabasag dahil sa bigla kong pagpasok. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko ay walang tigil ang pag-iingay ng tsinelas ko. Agad na tumayo ang mga taong nakaupo at naghihintay sa'min nang makita ako. Hindi ko na rin sila pinansin dahil agad ko nang pinuntahan ang hagdanan.
"Hey!" sigaw ni Kuya Adrian.
"Sweetie!" tawag sa'kin ni Mom.
"Anong nangyari?!" nagwawalang tanong ni Tita.
Patuloy pa rin ako sa pag-akyat ngunit bigla akong natigilan nang maramdaman ang kamay ni Dylan sa akin. Galit ko siyang tinignan. "Layuan mo nalang ako!!!!" Sinubukan kong alisin ang hawak niya sa'kin pero hindi ko nagawa. Isang tread lang ang distansiya namin sa isa't isa. "Bitawan mo 'ko!"
Hindi siya nakinig. I averted my eyes from him when I saw his gentle face bathed in tears. He's like a child crying in pain because he was injured. Hindi ko kaya. I can't bear to see him cry. Pakiramdam ko ay nasasaktan ako. All these issues and confessions are making my heart and mind confused more than I expected. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa dami ng pumapasok sa utak ko.
Pumikit siya ng mariin bago tumungo. I saw him bit his lower lip. Naramdaman ko ang biglang pagluwag ng hawak niya sa'kin. I swallowed hard. Hindi na ako nagsayang ng oras. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para makatakas sa kanya.
"Alexandria Elle!!!" malakas na tawag sa'kin ni Mom. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat.
Nang makarating na ako sa kwarto ko ay agad ko nang sinara ang pinto. Pinasadahan ko ang buhok ko gamit ang pareho kong mga kamay. All of those gestures... Hindi ko inisip na may kakaibang meaning ang mga 'yon dahil kaibigan ko lang naman siya at kapatid na rin ang turing ko sa kanya! Ngayon ko lang naisip na may kakaiba palang kahulugan ang lahat ng 'yon!
Pumikit ako ng mariin nang maramdam ang pagtulo ng mga luha ko. I am so confused! Agad akong tumalon sa kama at nagtago sa kumot.
"Sweetie..." mahinang tawag sa'kin ni Mommy bago kumatok.
It's been a few minutes since I entered my room. I immediately got up from my bed when I suddenly heard my Mom's voice.
Tumayo ako at inayos ang magulo kong buhok. "Andria, gising ka pa ba?" tanong pa niya.
"I'm awake, Mom. What do you want?"
"May I come in? Gusto lang kitang makausap."
I sighed. Hindi ko na siya sinagot at binuksan ko nalang ang pinto. Umupo ako sa sofa at sumunod siya sa'kin.
Bahagya siyang ngumiti bago nagsalita. "Mahirap bang maging maganda?" Nagulat ako dahil sa tanong niya. I bit my lower lip. Hindi ako nakapagsalita. Bahagya siyang natawa. "Dalaga ka na, Andria! I'm sure marami nang nagkakagusto sa'yo," wika niya bago hinaplos ang buhok ko. "Marami na bang naghahabol sa'yo?"
"W-Walang naglakas-loob, Mommy. Lahat sila ay hanggang love letters lang ang kayang gawin. Halatang takot. Ni wala man lang umamin sa'kin sa personal maliban kay... Dylan," tugon ko bago ngumuso.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Roman pour AdolescentsA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1