CHAPTER 26

28 1 0
                                    

Parang kailan lang noong kasama ko pa sina Kuya Adrian, Kuya Derrick, si Dylan, Danna, Francine at pati sina Mom at Dad. Agad kong pinalis ang mga luha ko na kanina pa umaagos. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. Miss ko na sila. I want to know more about my real identity and my real family pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot dahil umalis ako sa Pilipinas. Hindi ko in-expect na mangyayari 'to.

"I'm really sorry, Andria."

Napatingin ako kay Hugo nang marinig ang boses niya mula sa likuran ko. "You don't have to apologize. Marami ka ng nagawa para sa'kin. Salamat sa lahat."

"Anything for my cousin," aniya. "What's your plan now?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tumingin sa madilim na kalangitan. "I don't know."

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa kong umalis sa Pilipinas nang hindi kasama sina Mom at Dad, pati si Kuya. Hindi ako sanay na mag-isa kapag nangingibang-bansa. Nakakapanibago. Ang sakit isipin na kailangan kong tanggapin ang katotohanan na ito na ang magiging buhay ko mula ngayon. Truth can hurt but it's still the truth.

"Maybe one of these days, Mom will introduce you to your grandparents. They want to see you before it's too late. They're not getting younger anymore."

Nakaramdam ako ng kaba nang sabihin niya 'yon. Ano kayang hitsura nila? Magugustuhan kaya nila ako? Matatanggap ba nila ako bilang apo nila?

"Huwag kang mag-alala. They're nice. Masaya silang kasama. Paniguradong matutuwa sila kapag nakita ka."

"Are you sure? Paano mo nalaman 'yan?"

"I've known them ever since when I was a kid."

Parang bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanya. He's been with them all his life pero ako mismo na apo nila ay hindi pa nila nakikita.

"Buti ka pa."

"Why?"

"You've been with them all your life pero ako, hindi ko pa sila nakikita."

"Don't be like that. You're blessed too, you know. Mababait ang mga taong nag-alaga at nagpalaki sa'yo."

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Muli kong pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi ka nila tunay na anak pero binigay pa rin nila sa'yo ang lahat ng pag-aaruga at pagmamahal nila. Tinuring ka nila bilang tunay na prinsesa ng pamilya nila."

Malungkot akong ngumiti nang maalala ang lahat ng mga nagawa at naibigay nila para sa'kin. "Tama ka. Hindi nila pinaramdam sa'kin na iba ako."

"Do you want to go back?"

Muli ko siyang tinignan. "What do you mean?"

"I'm asking you if you want to go back there."

"I want to but I can't. I'm not allowed to go back..."

"Because my mother said so?"

Hindi ko nasagot ang tanong na 'yon.

"Last time you said that you can't leave the Philippines but you just did it and right now you said the same thing here in Spain."

"I have no choice but to obey, Hugo. Wala pa akong napapatunayan sa buhay. I want to go back there right now but now is not the right time. Kahit papaano ay gusto ko rin namang makilala sina Lolo at Lola bago pa mahuli ang lahat. Even though Tita forbid me to go back there, I'll still find a way to go back there for some other time, but not right now."

He nodded. "I understand."

"Salamat kasi nandyan ka. You're the best cousin in the world."

"Anything for you," aniya bago ngumiti. "Magpahinga ka na. Gano'n din ang gagawin ko."

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon