"Hija, may pumunta dito kanina. May iniwan siya para sa'yo," sabi ni Manang. Tahimik akong kumakain nang bigla siyang lumapit sa akin. Napatingin ako sa hawak niyang itim na paper bag.
"Sino daw, Manang?"
"Hindi niya sinabi ang pangalan niya, eh. Basta ang sabi niya ay kilala mo daw siya."
Kinuha ko sa kanya ang paper bag niyang hawak. "Anong hitsura niya?"
Biglang napaisip si Manang. "Maputi siya, eh. Halatang mayaman. Sobrang gwapo, hija!" aniya bago humagikhik.
Ngumiwi ako sa inasta niya. "Ganun ba? Sige, salamat."
"Kapag may kailangan ka ay puntahan mo nalang ako sa kusina. Naglilinis lang ako do'n," aniya bago umalis. Uminom ako ng tubig bago muling ibinalik ang atensyon sa paper bag.
"Where's Dylan?"
Nagulat ako nang biglang tumikhim ang mga katabi ko. Tinapunan nila ako ng mapanuya nilang mga tingin. I pouted. Nilingon ko si Hugo. I bit my lower lip when I saw him doing the same thing to me.
"Papunta na siya dito. May tinatapos lang siya." Biglang may tumunog. Napatingin kami kay Hugo nang bigla siyang tumayo. Hawak niya ang kanyang phone. He sighed. "My mom is calling. Sasagutin ko muna," aniya bago lumabas.
"Guys, o-order lang ako ng pagkain. Treat ko," wika ni Danna bago tumayo.
Uminom ako ng tubig bago tumayo, bitbit ang bag. "I'll just go to the restroom."
Pagpasok ko ay walang tao kaya dumeretso na ako sa toilet cubicle. Katatapos ko lang na isabit ang bag ko sa may pintuan nang makarinig ako ng boses mula sa labas.
"Oh, son! I missed you so much! Hindi mo ba ako na-miss?"
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.
"Anak naman! I'm so worried about you! Hindi ka ba binibisita ng daddy mo?!" aniya pa.
Nang makatapos na ako ay agad kong pinindot ang flush at kinuha ang bag ko bago lumabas. Nagulat siya nang magkatinginan kami sa salamin. Napatingin ako sa mga gamit niya na nakapatong sa sink. Those were cosmetics. She's retouching her makeup. Natigilan siya at hindi agad nakapagsalita, dahilan kung bakit ako nagtaka. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nakatapat pa ang telepono sa kanyang tainga. Naisip ba niya na multo ako?
"A-Anak, mamaya nalang ulit tayo mag-usap. Magkita nalang tayo sa bahay mamaya," aniya bago binaba ang telepono.
I bit my lower lip. "I'm sorry for disturbing you——"
"N-No, it's okay. Nagulat lang talaga ako," aniya bago ngumiti sa akin. I smiled at her back. There's something in the way she smiled at me. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya sa hindi malamang dahilan. "You're so pretty, hija," aniya bago lumapit sa akin. "What's your name?" tanong pa niya.
"Ako po si Andria," wika ko, nakangiti pa rin.
Her smiles widened. "I'm Heidi. It's nice to meet you, Andria. Ang ganda-ganda mo!"
"Salamat po," masaya kong tugon sa kanya.
Carrying the paper bag that Manang gave me, I immediately went up to my room. Sinara ko ang pintuan nang makapasok. Umupo ako sa kama at binuksan ang hawak ko. Dahan-dahan kong inalis sa paper bag ang laman. Natigilan ako dahil sa nakita.
"Where's your mom?" tanong ni Francine kay Hugo.
Here we are at Hugo's tree house. It was weekend and we had nothing to do so we thought of coming here, especially when we found out he was alone all along.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1