CHAPTER 13

38 4 0
                                    

Nang makalayo na ako sa kinaroroonan niya ay tumigil ako sa harap ng isang ice cream shop. May mga tao pa rin sa paligid ko. Nang makita nila ako ay biglang umugong ang mga bulungan. I bit my lower lip. Hinukay ko ang bag ko at hinanap ang aking phone. Dali-dali kong tinipa ang number ni Kuya.

Ang pagtulo ng mga luha ko ay maihahalintulad ko sa walang tigil na pag-agos ng tubig mula sa gripo na mahirap patayin.. Na mahirap kontrolin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong emosyon kasi hindi ko na 'to kayang itago. Buong buhay ko, ngayon lang ako nasangkot sa ganitong gulo. Dati ay nadamay ako sa isang gulo kasi nakialam ako, pero iba na ngayon. Hindi ko sinadya 'to. Kung dati ay nakalabas pa ako, pakiramdam ko ay wala na akong kawala ngayon. Ang paraan ng pagtitig nila sa'kin ay hindi na maganda. What more kung magsalita pa? But come to think of it, that post went viral just because of a poser?! Bakit nila papansinin ang post ng isang poser?

"Nasaan ka?" malamig na bungad sa'kin ni Kuya nang sagutin niya ang tawag ko. Hindi na ako nagulat sa inasta niya. Paniguradong alam na rin niya ang nangyari. It's either nalaman niya 'yon sa mga kaibigan niya or nakita niya 'yon sa social media.

"A-Andito ako sa h-harap ng ice cream shop na hindi k-kalayuan sa gym na pinupuntahan namin nina Danna," tugon ko sa kanya bago pumikit ng mariin. I swallowed hard.

Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung nakikinig pa siya pero nagawa ko pa rin na magsalita. "K-Kuya..." naiiyak kong wika sa kanya. "P-Pwede mo ba akong sunduin?"

I heard him sigh. Hindi talaga siya nagsalita. Nagulat ako nang patayin niya ang linya. Hindi man lang siya nagpaalam. Suminghap ako. Galit siya sa'kin. It's obvious that he's angry. Malamig ang tono ng boses niya sa'kin. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Di'ba siya 'yong trending sa FB?"

"Oo, siya nga 'yon."

"Kawawa naman si Sabina, 'no?"

"Mas naaawa ako diyan sa babaeng 'yan! Wala siyang kasama. Walang kakampi. She looks so helpless."

"Seriously? Mas naaawa ka pa diyan sa mang-aagaw na 'yan?! She deserves it." 

"Siguro akala niya lahat ng gusto niya ay makukuha niya."

"Oo nga. Hindi na nahiya kahit para sa sariling pamilya man lang."

"Ilang taon na ba 'yan?"

"Seventeen."

"Hindi halata. She looks older than that."

"Seventeen years old palang 'yan, bes. Wala pa ngang napapatunayan, eh, mas inuna na agad ang pang-aagaw."

"Spoiled ata ang babaeng 'yan!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumigil sa harapan ko ang sasakyan ni Kuya. Hindi ako nakapagsalita. Lalong umingay ang paligid dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Agad siyang lumapit sa'kin nang makababa ng sasakyan.

"Sino 'yan?"

"Ang pogi!"

"Baka 'yan ang jowa niya?"

"Naririnig niyo ba ang mga sarili niyo? Nakakasuka kayo! Kapatid niya 'yan, hoy!"

"Ayy! Siya si Adriel Monteverdi?!"

"Adrian ang pangalan niya, bes! Hindi Adriel!!"

"Ano ba naman kayo?! Hindi ba kayo nag-search? Ang full name niya ay Adriel Kyran Monteverdi! Ang nickname niya ay Adrian!"

"Oh? Tologo? Sure ka ba, bes? Eh, parang hindi naman sila magkamukha!!"

"Sabi-sabi ng iba ay kamukha ni Adrian Monteverdi ang lolo niya habang ang kamukha naman ni Alexandria ay ang mommy niya!"

Loving the Dark SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon