Nag-iwas ako ng tingin kay Dylan nang ma-realize na matagal kaming nagkatinginan.
I can feel that it's all coming back to me now.
Lahat ng nangyari sa'min noon. 'Yong mga panahon na super close pa kami. 'Yong panahon kung kailan siya umamin sa'kin. 'Yong mga panahon na pinagtulakan ko siya. Lahat ng 'yon, pakiramdam ko bumabalik.
At dahil do'n ay parang bumabalik na rin ang lahat ng guilt na naramdaman ko noon kahit na nagkapatawaran na naman kami. Na para bang nasasaktan pa rin ako. I think it's weird because this is what I'm feeling years ago. It's that same feeling but it's more intense.
Pero bakit?
Bakit kung kelan taken na siya? Bakit kung kelan may nagmamay-ari na ng puso niya? Why do I feel this way?
Am I jealous?
Am I in love?
Am I being in denial all this time?
I closed my eyes firmly. "Oh my gosh... No way..." bulong ko sa sarili.
Is it really possible that I fell in love with my best friend? And that I still love him until now? Nang higit pa sa kaibigan?
Nagulat ako nang bigla akong hinawakan ni Ate sa balikat. Dahil sa gulat ay agad kong naimulat ang mga mata ko. "Okay ka lang, Andria?" tanong niya.
Nakaramdam ako ng hiya nang makita ang takang tingin nilang lahat sa'kin. I bit my lower lip. I almost forgot that we're still eating lunch! Nagpantay ulit ang tingin namin ni Dylan kaya nag-iwas ulit ako ng tingin sa kanya.
"May nakain ka bang hindi mo nagustuhan?" tanong ni Kuya Adrian.
Umiling ako. "Wala naman, Kuya. I-I'm sorry for acting this way."
He nodded. "It's okay."
Natapos namin ang pagkain na para bang walang nangyari. Nag-decide sina Kuya na mag-swimming kaya sumama na rin ako. Nagbabakasakali na baka may magawa ang malamig na tubig ng dagat para mawala ang lahat ng iniisip ko.
Pero walang nagbago.
Nasa tubig na kaming lima nang mapansin ko na suot pa rin ni Dylan ang kuwintas niya. His pendant, now evident since he's topless. I felt my heartbeat race when I realized that that was my gift to him years ago. The last gift I gave him before I left. Alam kong 'yon ang binigay ko na kuwintas sa kanya dahil ako mismo ang nagpacustomize no'n.
I looked away and thought about it. My heart shouldn't be racing that fast but it didn't help but do so. Sa totoo lang, dapat nga nagtataka ako. Bakit suot pa rin niya 'yon?
"Uyy, bro! May mga tumatawag sa'yo! Video call!" sabi ni Kuya Derrick kay Dylan. Umahon siya saglit para uminom ng tubig at mukhang nagkataon rin na narinig niya ang pagtunog ng phone ng kapatid.
Inabot ni Kuya Derrick ang phone kay Dylan na nasa tubig pa rin gaya namin nina Ate Pam at Kuya Adrian. "Oh, bakit tumawag na naman kayo?"
"Wala lang. Break time namin, eh."
"Sana all nasa dagat!"
Rinig namin ang usapan nila dahil hindi naman gano'n kalayo ang agwat namin kay Dylan.
"Aahon ka na ba? Kasi aahon na ako, eh," sabi sa'kin ni Ate Pam.
I nodded at her. "Yeah, I'll go with you."
Nagsimula na kaming lumangoy pabalik sa yate pero rinig ko pa rin ang usapan nila.
"Taken ka na ba talaga, bro? Asan ba kasi girlfriend mo?"
"Ayan na naman kayo——"
"Anong 'Ayan na naman kayo'? Eh, bro naman kasi, tuwing may lumalapit sa'yong babae, eh, sinasabi mo na taken ka na! Wala ka bang tiwala sa'min, Azi?"
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1