Ilang oras na ang nakalilipas mula nang mag-away kami ni Tita. Malapit na ang dinner pero andito pa rin ako sa kama. Nakahiga at tulala sa kisame, hindi na umiiyak. Napalingon ako sa pintuan nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Andria, is it okay if I come in?" tanong ni Hugo mula sa labas.
Bumangon ako mula sa kama, inayos ang magulo kong buhok at pinunasan ang mukha ko bago binuksan ang pintuan. Bumungad sa'kin ang nag-aalala kong pinsan.
"I'm so sorry for what happened," mahina niyang wika.
I licked my dry lips before looking at the floor. "It's okay, Hugo. May karapatan siyang magalit sa'kin--"
Natigilan ako nang makita si Tita na naglalakad papunta sa'min kasunod ang dalawang kasambahay. Tumabi si Hugo para bigyan sila ng daan. Napaatras ako sa gulat nang pumasok sila sa kwarto ko. Pumasok din si Hugo para mamagitan.
Pinagtaasan ako ni Tita ng kilay. "You haven't packed yet?"
Tumingin nalang ako sa sahig. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa nangyari kanina.
"My maids will help you pack your things before you leave. The driver is waiting outside to take you to the airport."
"Mom--"
"It's dinner time, Hugo. I'm sure your Dad will come here soon. Just wait for him outside."
Lumapit ako kay Tita at lumuhod sa harapan niya. Muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko habang ang paningin ko ay nakapako pa rin sa sahig.
"N-Naging selfish po ako... I'm so sorry, Tita... I h-hope you forgive me... H-Hindi na po ako aalis... D-Dito nalang po ako..."
I closed my eyes. Pinapaalis na ako ni Tita kasi 'yon ang gusto ko pero ang dami kong nalaman... at na-realize ko na gusto lang pala akong protektahan ni Tita... Hindi na ako aalis dito kung 'yon ang gusto ni Tita... kung 'yon ang ikapapanatag ng loob niya... Hindi na ako aalis...
Hindi ko agad namalayan na lumuhod na rin pala si Tita para punasan ang mga luha ko. She sighed. Inalalayan niya ako at sabay kaming tumayo. Pinaupo niya ako sa may gilid ng kama ko at umupo siya sa tabi ko. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I forgive you, mi amor. But please, don't ask me to allow you to go back there because I won't allow it."
Hindi na ako makakabalik.
"S-Sige po."
Niyakap niya ako at sinuklian ko rin siya ng yakap. Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin ay muli niyang pinunasan ang mga luha ko bago lumingon sa dalawang kasambahay. "Ustedes dos pueden salir ahora. Nuestra señorita cambió su decisión."
"Sí, Señorita," tugon naman ng dalawang kasambahay bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ng dalawang kasambahay ay hinawakan ni Tita ang mga kamay ko. "I also owe you an apology. I'm sorry about what happened earlier, Andria. I just want to protect you. Kayong dalawa ng anak ko ang pinakamahalaga sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa inyo."
She cares a lot for us. I gave her a small smile. "A-Ayos lang po 'yon, Tita. I-I understand."
Sinuklian niya ako ng ngiti bago hinaplos ang aking buhok. "Maiwanan ka muna namin. Fix yourself. Dinner's almost ready."
I nodded. "Okay."
The dinner went well. Pagkatapos no'n ay agad na ulit akong bumalik sa kwarto ko at natulog. Nang sumunod na araw naman ay maaga akong nagising dahil agad akong pinatawag ni Tita para simulan ang 'training session'.
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1