Sumandal ako sa sofa na kinauupuan namin dito sa guidance office. Kunot ang noo ko nang tingnan ang katabi kong si Hugo. I crossed my legs and arms, not leaving my eyes on him. Pinagtaasan niya ako ng kilay. I sighed. Biglang bumukas ang pintuan, dahilan kung bakit kami napatingin do'n.
Agad na tumayo si Hugo. "Dad!" wika niya bago niyakap ang lalaki. "I missed you, Dad!" masaya pa niyang wika na siyang pinagtaka ko. Ngayon lang ulit sila nagkita?
"I missed you too, Hugo," tugon ng lalaki bago bumitaw sa yakap ng anak. Ginulo niya ang buhok ni Hugo bago bumaling sa guidance counselor. "What did he do?"
Ms. Almonte sighed. "He's the reason why the girls wrangled," malungkot na tugon niya.
Nilingon ko si Monica. She pouted and crossed her arms habang tinitignan ang tatay ng kanyang nagugustuhan. Napatingin siya sa'kin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Dad, wala akong ginawa. Madalas kong nakakasama si Elliyah dahil sa mga projects namin. Kinakausap ko lang si Monica dahil lumalapit siya sa'kin pero hindi ko siya pinapaasa," paliwanag ni Hugo sa kanyang ama. His father sighed. Tinapik niya ang balikat ng anak.
"Ms. Almonte, my son is innocent. Kilala ko ang anak ko. Hindi niya ugali ang manakit ng babae," seryosong wika ng kanyang ama.
Nagulat ako nang biglang humagulhol sa pag-iyak si Monica. Tinakpan niya ang mukha niya dahil na rin siguro sa kahihiyan. "Sorry..."
Ms. Almonte sighed again. "Mr. Bustamante, let's just wait for Mrs. Monreal. Her daughter is just changing her clothes."
Tumango sa kanya ang ama ni Hugo bago tumingin sa akin. "Who's this young lady?" nakangiti niyang tanong.
"Dad, she's my friend," ani Hugo bago bumaling sa akin. "Andria, he's my Dad."
Agad akong tumayo at nakipagkamay sa daddy niya. "It's nice to meet you po, Mr. Bustamante."
He chuckled. "Just call me Tito, hija," aniya bago binitawan ang kamay ko. Bigla na namang nagbukas ang pintuan kaya napalingon ulit kami do'n.
"Good morning, Mrs. Monreal——" Binati ni Ms. Almonte ang bagong dating ngunit agad siyang pinutol nito.
"Hindi na maganda ang umaga ko matapos kong marinig ang nangyari sa anak ko!" nanggigigil na wika ni Mrs. Monreal, ang nanay ni Elliyah. "Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang anak ko ay nasangkot sa gulo! Where's the culprit?!"
Dahil sa sobrang takot ni Ms. Almonte ay hindi na siya nagsalita pa at tinuro nalang si Monica.
Bumaling si Mrs. Monreal kay Monica at pinagtaasan ito ng kilay. "Aba! Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Alcantara ang salarin?!" gulat na tanong pa niya. Biglang yumuko si Monica at mariing pinikit ang mga mata. "Tsk! Tunay na nagkamali ka ng binangga." Aksidente siyang napatingin sa'kin. Mas nagulat pa siya nang makita ako. "Andria, kasali ka din?!"
Bigla na namang bumukas ang pintuan kaya hindi ko nasagot ang tanong niya. Agad na nilapitan ni Mrs. Monreal ang anak na pumasok. Hindi na gusot ang kanyang suot na uniform. Medyo mugto pa din ang mga mata niya. Mapula pa rin ang ilong dahil sa pag-iyak kanina. Ang buhok niya ngayon ay naka-braid, hindi gaya kanina na nakalugay.
"Oh my poor daughter! What happened to you?" nag-aalala pa niyang tanong sa anak habang inaayos ang dulo ng buhok nito.
Seryoso siyang tinignan ni Elliyah. "Mom, enough with the dramas! Let's get this done," mariin niyang tugon sa ina.
Ngumiwi ang kanyang ina dahil sa kanyang inasta. Agad na bumaling sa'kin si Elliyah.
"Oh! Andria, bakit ka pa nandito?" taka niyang tanong sa akin. Lumingon siya kay Ms. Almonte. "Hindi po siya kasali dito. Nadamay lang siya," aniya bago bumaling kay Hugo. "Same with him."
BINABASA MO ANG
Loving the Dark Sky
Teen FictionA famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1